HomeTrendingIsang Ama, Nanghihingi ng Breåst Milk Para sa Kanyang Triplets na Anak...

Isang Ama, Nanghihingi ng Breåst Milk Para sa Kanyang Triplets na Anak Matapos Bawian ng Buhay ang Kanyang Misis!

Published on

spot_img


Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang isang facebook post na ibinahagi ng isang ama na si Joel Orbello Regal matapos na bawian ang buhay ang kanyang misis na si April Edlagan-Regal nang ito ay manganak ng triplets. Umabot sa 80k reactions, 6.2k comments at 42k shares ang naturang post na lubhang ikinahabag ng damdamin ng mga netizens.

Dahil wala na ang kanyang misis at mag-isa na lamang niyang itinataguyod ang anak, kinakailangan niya ng breåst milk para sa kanyang tatlong sangg0l. Sa tulong ng mga netizens ay nairaraos ni Joel ang pangangailangan ng kanyang mga anak.



Bukod sa maraming breåst milk, may iba’t-ibang kagamitan pa pang-baby ang natanggap ng mag-aama. May mga diaper, komportableng higaan at marami pang iba.



“Hindi man nangyari yun Plano sana na inaasahan namin ng asawa ko pero God will provide tlaga sa kabila ng lahat. Mahal ko alam ko napakasaya mo kasi gumawa pa din si God ng paraan para hindi ako panghinaan ng loob para lalong mag pursige para sa mga anak natin .maraming maraming salamat po sa mga pinaabot nyong tulong samin ng mga anak ko god bless you all po,” pahayag ng ama sa kanyang facebook post.

Kahit na wala na ang misis ni Joel ay nananatiling nasa pus0 pa rin niya ito at pinili niyang maging matatag para sa kanyang mga anak. Hindi madali ang maging isang solo parent lalo na sa sitwasyon ni Joel na hindi lamang isa o dalawa ang anak kung hindi tatlo. Sa kabutihang palad ay marami pa din ang may mabubuting kalo0ban na handang tumulong para sa kanila.


Latest articles

More like this