HomeTrendingIsang Food Rider, Pinagsasabay ang Pag-aalaga sa Anak at Pagtatrabaho!

Isang Food Rider, Pinagsasabay ang Pag-aalaga sa Anak at Pagtatrabaho!

Published on

spot_img

 

 

Marahil lahat ng mga magulang ay gagawin ang lahat para sa kanilang anak. Katulad ng marami sa atin na simula nang isilang sa mundong ibabaw, ay binibigay na ng ating mga magulang ating mga pangangailangan kasama na ang gatas, diaper, at kung anu-ano pa. Hinangaan naman ang isang dakilang ama na viral ngayon sa social media.

Mapapansin sa larawan, na habang nagtatrabaho bilang food delivery rider si Kuya ay kasama niya ang kanyang anak na nakasay sa basket ng bike na ginagamit ng rider sa kanyang trabaho. Kung iisipin ay mahiråp ang mag-deliver lalo na kung ang gamit na sasakyan ay bisekleta lamang dahil kinakailangan mong pumadyak kung ikukumpara sa motorsiklo na automatic na.

Sa larawang kuha ni Jeremiel Flores Quinto, ay makikitang pinapa-dëde pa ni Kuya ang kanyang anak.

Ayon kay Jeremiel, kinilala ang ama na si Hershey Manuel. Isinama niya ang kanyang dahil mayroon ding trabaho ang asawa nito at walang ibang mapag-iiwanan.

Nakikïtira lamang umano sila sa tiyuhin ng rider. Binanggit rin ang lokasyon nila, kuha ito sa San Pedro, Laguna. Sadyang mahiråp ang buhay ngayon para sa iba nating mga kababayan kaya sana, sa mga nakakaluwag ay matulungan ang mag-ama na ito lalo na at baby pa ang kanyang anak.

Latest articles

More like this