HomeTrendingIsang higanteng lapu-lapu, nahuli sa Antique: Umabot ng 187 kilos, inabot ng...

Isang higanteng lapu-lapu, nahuli sa Antique: Umabot ng 187 kilos, inabot ng limang oras bago naiahon mula sa dagat

Published on

spot_img



Ang karagatan ng Pilipinas ay talagang mayaman sa mga lamang-dagat at patunay na dito ang iba’t ibang isda na nahuhuli ng ating mga mangingisda.


Dalawang beses na rin nakabingwit ng malaking isda ang ating mga mandaragat. Una na dito ay ang higanteng lapu-lapu sa Palawan na may timbang na umabot sa 123 kilos.

 



At nitong Hunyo naman ay isang napakalaking lapu-lapu na naman ang nahuli sa Antique na may timbang na 187 kilos na nabingwit ni Rex Vega Jr. ng Antique.



Dahil sa magkasunod na higanteng isda na nahuli ay tinatayang marami pang giant lapu-lapu ang nasa karagatan ng bansa.


Ang unang higanteng isda ay nahuli umano noong May 3, 2022 at ito ay naibenta ng mahigit Php19, 000.
 
 
Larawan mula sa Facebook




At nitong Hunyo 25 ay nahuli ni Rex ang mas malaking lapu-lapu na talagang napakalaking biyaya para sa kanyang pamilya.



Ayon pa sa isang Facebook post ng tiyahin ni Rex, hindi umano naging madali ang pagkuha sa kabuuang timbang ng isda dahil hind inga ito kasya sa timbangan.


 “Hindi kasya sa timbangan ang isda.” Ayon pa sa caption ng post ni Reah Vego Davidson*

Kaya kailangan umanong hiwain ang isda para makilo ito at malaman ang saktong timbang.

“Ulo ay 50 kilos. Lamang loob 30 kilos. Laman ay 107 kilos. Total ay 187 kilos.” Ani Reah

Dahil sa sobrang laki nga ng huli ni Rex ay hindi agad naiahon ang isda mula sa dagat.

“Daily routine na po ni Rex na during night time ay humuhuli po siya ng isdang marot or galunggong para ipain sa madaling araw sa kanyang bingwit or hook at itali sa balsa.

 


 
 

 

“So nung napansin niya na may kumain sa pain niya ay sinikap niya pong iahon ito, ngunit hindi po niya kinaya kasi lumalaban po yung catch niya.”



“Around 5:00 p.m. nila naiangat yung isda at laking gulat nila nang makita ang higanteng lapu-lapu,” kwento pa ni Reah*

Dahil sa sobrang laki ng lapu-lapu ay maraming tao sa kanilang bayan ang nagkagulo.

“Pinagtulungan nilang hilain sa dalampasigan yung isda at dun na nagkagulo ang mga tao dahil sa bayang ito, never pa sila nakakita ng ganun kalaking isda.” Aniya


Ang laman daw ng higanteng lapu-lapu na umabot sa 107 na kilo ay naibenta sa isang negosyante ngunit hindi na binanggit kung magkano ito naipagbili.

 

Samantala, ang ibang mga parte ng isda na natira ay pinaghati-hati naman sa mga taong tumulong kay Rex na maiahon ang isda.


 Napag-alaman din na nakatanggap pala ng batikos si Rex mula sa ibang netizens sa pagkakahuli ng higanteng lapu-lapu. May mga nagtanong din umano kung bakit hindi ito ibinalik sa dagat.


“Well, the fact is, hindi sinasadyang mahuli or hulihin ang giant lapu-lapu na yun dahil ang baits maman talaga ay sinadya para sa blue marlin or yellow fin tuna or tangigue lamang.


 

“Nagkataon yung lapu-lapu ang nabingwit. After almost five hours of struggle na makuha or maiahon ang nasabing isda ay patay na itong naiahon sa tubig after almost six hours, so, sa palagay niyo kaya maibalik niyo pa yun sa tubig?” paliwanag naman ni Reah sa kanyang hiwalay na post noong Hunyo 27.

Ayon pa sa tiyahin, tanging panginigisda ang hanapbuhay ni Rex at mayroon pa itong tatlong anak na binubuhay.
 


Latest articles

More like this