HomeTrendingIsang Pasahero, Ipinagmaneho ang 70-Anyos na Taxi Driver Dahil Inaantok na Umano...

Isang Pasahero, Ipinagmaneho ang 70-Anyos na Taxi Driver Dahil Inaantok na Umano Ito!

Published on

spot_img

Hinangaan ng marami ang isang concerned netizen na nagbigay ng kanyang malasakit sa isang taxi driver na nasakyan niya. Ang taxi driver na iyon ay 70-anyos na at naghahanap buhay pa rin para sa kanyang pamilya. Kuwento ni Cristina, pinapalipat na umano siya ng taxi driver sa ibang taxi dahil inaantok na umano ito.

Naisip ni Cristina na delikad0 naman kung bumaba siya dahil wala siyang kasiguraduhan kung may masasakyan pa siya. Dahil dito, kinumbinsi niya ang taxi driver na siya na lamang ang magmamaneho hanggang sa makauwi siya at matulog na lang muna si Manong driver.

Noong una ay hindi umano pumayag si Manong ngunit kinalaunan ay pumayag rin ito. Hindi pa nagtatagal ang pagmamaneho ni Cristina ay mahimbing na nakatulog na si Manong Driver. Kuwento pa ni Cristina ay naghihilik pa umano ito at mahimbing na mahimbing ang tulog marahil sa sobrang pag0d at antok sa pamamasada.Nakauwi ng ligtas si Cristina at nakapagpahinga na din si Manong driver. Nang makarating na si Cristina sa kanyang tahanan ay ginising na niya si Manong driver.

Narito ang kabuuang post ni Cristina Tan:

“First time ko mag drive ng taxi. Haha While on the road sabi ni tatay (taxi driver) lipat nalang daw ako dahil hindi nya kaya mag drive sa sobrang antok, sabi ko delikad0 naman kung baba ako somewhere hindi ko alam kung makakasakay agad ako so i insisted ako na ang mag drive dahil malayo pa ang bahay ko from our location at first ayaw niya nahihiya at akala nya hindi ako marunong mag drive ng manual.

“Pero pinilit ko nalang para maka idlip sya habang traffic. Nung ako na ang nag ddrive nakatulog agad sya at humihilik pa. Habang nasa byahe ang dami pumapara sa taxi tapos nagugulat at natatawa dahil babae ang driver. Anyway, 70yrs old na si tatay sabi nya panahon pa ni marcos taxi driver na sya at puro babae anak kaya naghahanap buhay pa rin till now. Ginising ko nalang si tatay nung nakarating na kami sa bahay ko. Wala lang gusto ko lang i share kasi first time ko. Haha”

Latest articles

More like this