HomeTrendingIsang pinagawang Painting, hindi na Binayaran Sinunog pa!

Isang pinagawang Painting, hindi na Binayaran Sinunog pa!

Published on

spot_img



Masama ang loob ng isang painter mula sa Isabela matapos siyang hndi bayaran ng kaniyang kostumer at sinunog pa ang ginawa niyang painting.

Ibinahagi ng artist na si Edmar Casinillo sa kaniyang Facebook account, ang screenshot ng pag-uusap nila ng kaniyang kostumer na nagpagawa sa kaniya ng isang family potrait.

Dobleng sakit at pagkadismaya ang naramdaman ng artist ng singilin niya ang kostumer, dahil ayaw na nitong magbayad at ang masama pa ay sinunog daw ang oil painting na kaniyang ginawa, dahil hindi raw maganda ang kaniyang gawa, nainis at nahihiya ang kostumer na i-display

Ayon sa source ay isa raw guro ang nasabing kostumer.


“Ansakit lang na sinunog yung 14heads oil paint ko, sana binalik niyo nalang po ma’am kung di niyo po nagustuhan,” sabi ni Edmar.

“Never ko sinunog gawa ko mula nung naguumpisa ako gumawa ng art, kasi sobrang halaga bawat artwork ko. Tapos ganun sinunog lang ng isang guro yung oilpainting ko na 14heads?” dagdag niya.

“Naiintindihan ko kung di nila gusto, pero binalik sana, pwede ko pa ipang exhibit yun.”

P10,000 ang halaga ng painting subalit tinawaran daw ito ng kliyente niya ng P8,000.

Hiniling ni Edmar sa guro na bayaran na lamang siya ng P3,000 pa para mabawi ang halaga ng mga materyales na ginamit niya dahil P2,000 lamang aniya ang binayad ng kostumer.


Latest articles

More like this