HomeTrendingIt’s Showtime hosts, nagdarasal para sa paglaya ni Vhong Navarro

It’s Showtime hosts, nagdarasal para sa paglaya ni Vhong Navarro

Published on

spot_img



“Walang iwanan” at “sama-sama tayo”

Ilan lamang ito sa mga katagang madalas nating marinig mula sa mga host ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime”.

Tila napatunayan naman nila ito ngayon lalo na at may kinakaharap na matinding dagok sa buhay ang kasamahan nilang si Vhong Navarro.


Tulad ng kanilang pangako, hindi binigo ng mga host ng show si Vhong at kamakailan ay ipinahayag nila ang kanilang pagmamahal at suporta para rito kasunod ng pagkakakulong nito kamakailan.

Sa episode ng “It’s Showtime” nitong Martes, Setyembre 20, nagpakita ng kanilang suporta at pagmamahal ang mga host ng show sa pangunguna ng kagrupo ni Vhong sa dance group na “Streetboys” na si Jhong Hilario.

Mensahe ni Jhong kay Vhong, “Kuys Vhong, andito lang kami, kapit lang. We love you, Kuys Vhong.”


Senegundahan naman ito ng komedyante at malapit na malapit na kaibigan ni Vhong na si Vice Ganda.

Hinikayat ni Vice ang kanyang mga kasamahan na ma-group hug para kay Vhong.

Ani Vice, “Yes, Kuys Vhong. Mag-group hug tayo para kay Vhong.”

Mensahe pa ni Vice kay Vhong, “We will all be praying for you, Vhong. We love you.”


Samantala, bumuhos din ang mga mensahe ng pagmamahal at suporta para kay Vhong mula naman sa madlang pipol.

Komento nila:

“Tulungan ka nang Panginoon ser vhong marami nag mamahal Sayo God bless you “

“Wag kang susuko Vhong, God bless”


“Sir vong kasama sa aking panalangin kapit lng po wag tayong bibitaw in jeus nme.pray pray pray”

“Kaya mo idol alam ni lord wala kang kasalanan d ka nya pababayaan”

“stay strong idol hindi lng ikaw pti mga fans mo malongkot din sa mga nangyari god bless”

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kasalukuyan nakakul0ng ngayon si Vhong sa det3ntion facility ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos maglabas ng ikalawang warrant of arrest ang isang Taguig City court nitong Martes, Setyembre 20, kaugnay ng kasong r@pe na inihain ng kampo ni Deniece laban sa kanya.


Latest articles

More like this