HomeTrendingJulia Barretto, gusto na pakasalan si Gerald Anderson

Julia Barretto, gusto na pakasalan si Gerald Anderson

Published on

spot_img


Hindi nagdalawang-isip si Julia Barretto na sumagot ng “yes” nang tanungin kung handa na ba siyang pakasalan ang kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.

Kamakailan lamang ay nakapanayam si Julia ng batikang host na si Boy Abunda sa online show nitong “Who Are You When No One Is Watching”.

Nalagay nga sa hot seat si Julia nang mapunta sa paksa ng kasal at pag-aasawa ang kanilang panayam.

Dito, direktang tinanong ng “King of Talk” si Julia kung natatakot ba siya sa ideyang isa sa mga taong ito ay magpapakasal na siya.


Ani Boy, “Are you scared of the prospect that one of these years, you’re going to get married?”

Tila naman nasagi na rin sa isip ng aktres na maikasal sa lalong madaling panahon at katunayan hindi raw siya natatakot sa ideyang magpakasal. Sa halip, sa tingin niya ay “exciting” ito. Inamin din niyang “curious” siya pagdating sa usaping kasal o pag-aasawa.

Bukod dito, tinanong din ni Boy si Julia ng hypothetical question tungkol sa kung ano ang isasagot niya kung sakaling hingiin ni Gerald ang kanyang kamay para sa kasal.


Saad ni Boy, “Hypothetical, one of these months, Ge asks you to marry him. Would you say yes?”

Walang pagdadalawang-isip nga na sumagot ng “yes” si Julia sa naturang tanong ni Boy sa kanya.

Samantala, nagkuwento naman si Julia kung gaano siya kaswerte sa pagkakaroon ng boyfriend na tulad ng Kapamilya actor.

Aniya, “I always tell him how lucky I feel that I’m with somebody who guides me. Just in life, in general, who can ground me, who can put sense in my head. I can talk to him about anything. And he puts everything into perspective for me.”




Matatandaang hayagang inamin ni Gerald ang relasyon nila ni Julia Marso noong nakaraang taon.

Sa hiwalay na panayam kay Boy Abunda, inamin naman ni Gerald na si Julia ang “the one” para sa kanya.

Maaalalang ibinahagi rin ng aktor sa panayam na handa na siyang pakasalan ang aktres. Gayunpaman, aminado siyang napakabata pa umano ang aktres at marami pa umano itong maibibigay bilang isang artista.


Hindi lingid sa kaalaman ng marami, na malaki ang agwat ng edad ng dalawang Kapamilya stars. Si Julia ay kasalukuyang 25 taong gulang habang si Gerald ay 33 taong gulang.

Sa huli, iginiit nga ng aktor na ayaw niyang maging hadlang sa napaka-promising na karera ng kanyang nobya bilang isang magaling na aktres.


Latest articles

More like this