HomeTrendingKampo ni Deniece Cornejo Kakasuhan ang Asawa at Abogado ni Vhong Navarro

Kampo ni Deniece Cornejo Kakasuhan ang Asawa at Abogado ni Vhong Navarro

Published on

spot_img
Balak kasuhan ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng model na si Deniece Cornejo, ang asawa ng aktor at tv host na si Vhong Navarro, si Tanya Bautista- Navarro at ang abogado nitong si Atty. Alma Mallonga, ng “contempt charges”, dahil sa pagsasalita nito sa media tungkol sa umaandar na kaso ni Vhong.

Ayon sa isang tweet ni Atty. Ferdinand Topacio, ay inihahanda na raw nila ang mga kasong isasampa laban kay Tanya Bautista – Navarro at Atty. Alma Mallonga, dahil sa umanoy idinadaan daw ng dalawa sa “Trial by Publicity” ang kasong “Acts of Lasciviousness” at “R@pe” na kinahaharap ngayon ng aktor at tv host Vhong Navarro, na parehong isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo.

“Now preparing contempt charges against Atty. Alma Mallonga and Vhong Navarro’s wife for making statements that are sub judice in nature. We will not sit idly by while some people again make a mockery of justice by having another trial by publicity. THEY WILL BE HELD LIABLE!,” ayon sa tweet ni Atty. Topacio noong Setyembre 22, 2022.

Samantala hindi naman nagpapatinag ang asawa ni Vhong na si Tanya at abogado nitong si Atty. Mallonga, patuloy pa rin ang paniniwala na mananalo sila sa kasong ito.

Latest articles

More like this