HomeTrendingKilalanin Ang 5 Artistang Tinulungan ni Coco Martin

Kilalanin Ang 5 Artistang Tinulungan ni Coco Martin

Published on

spot_img



Isa si Coco Martin sa mga itinuturing na pinakamagaling at pinakamatagumpay na aktor sa showbiz.

Ngunit bukod sa kanyang galing sa pag-arte, hinahangaan din si Coco ng marami dahil sa kanyang kabaitan at likas na pagiging matulungin lalo na sa kanyang mga kapwa artista.

Sa katunayan, marami nang natulungan si Coco na artista, kaya hindi malayong ang kanyang kabutihang loob ang naging susi sa kanyang tagumpay sa showbiz.

Sa artikulong ito, kilalanin naman natin ang ilan sa mga artistang tinulungan ni Coco:

Andrew Schimmer

Noong November 2022, nanawagan ng panalangin at tulong pinansyal ang aktor na si Andrew Schimmer mula sa mga netizen at kanyang mga kasamahan sa showbiz para sa kanyang asawang si Jorhomy Rovero.

Matatandaang isinugod sa ospital si Jorhomy matapos nitong makaranas ng matinding asthma attack na humantong sa cardiac arrest at brain hypoxia o kakulangan ng sapat na hangin sa utak.

Nag-post nga si Andrew sa kanyang social media accounts tungkol sa pinagdadaanan nilang pagsubok.


Pagkatapos naman nito ay bumuhos ang maraming tulong para kay Jorhomy.

At ibinunyag nga ni Andrew na si Coco ang unang nagpaabot ng tulong para sa kanyang asawa.

Ayon pa kay Andrew, nagpadala ng P20,000 si Coco sa kanya.

Ani Andrew, “Actually, ang unang talagang nagpadala ng tulong ay itong aking kapatid na si Coco. Si Coco nagpadala po talaga siya right away noong December. Nagpadala kaagad si Coco ng P20,000.”

Pen Medina

Noong July 2022, nangailangan ng malaking halaga ng pera ang veteran actor na si Pen Medina para sa kanyang spine surgery.

Kwento pa ni Pen, isa si Coco sa mga taong nagbigay ng malaking halaga ng pera sa kanya kaya’t naoperahan siya.

Kaya naman malaki ang pasasalamat at utang na loob niya kay Coco dahil sa tulong na ibinigay nito sa kanya.

Ani Pen, “Napakalaki po ng pasasalamat ko dahil yun nga po naospital ako, naoperahan. Napakatindi po ng aking pinagdaanan. Ayon pong pagpapaospital ko, naoperahan ako sa spine, pinakamatindi pong tumulong sa akin si Coco. Kaya po noong lumabas ako as early as August, nagpasalamat ako sa kanya.”

Mark Anthony Fernandez

Malaki rin ang pasasalamat ng aktor na si Mark Anthony Fernandez kay Coco dahil binigyan siya nito ng pagkakataon na makabalik sa pag-arte matapos siyang makulong noong 2016 dahil sa ipinagbabawal na gamot.

Matapos ngang maabswelto ni Mark sa kanyang kaso, nabigyan muli siya ng pagkakataon na makabalik sa showbiz nang kunin siya ni Coco para gumanap sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ani Mark, “Sobrang saya ko po, nagpapasalamat ako sa Diyos na nakapiling ko ulit ang showbiz family ko. Sobrang honored din po na makakasali ako sa FPJ’s Ang Probinsyano at makaka­sama ko si Coco Martin at ang iba pang magagaling na artista. Bukod kasi sa magagaling ang mga cast nito ay top rating TV series pa ito. Kaya thankful ako kay Coco at sa ABS CBN.”

Awra Briguela

Sumikat naman ang TV actor-comedian at social media personality na si Awra Briguela o McNeal Briguela sa tunay buhay dahil sa kanyang nakakaaliw at iconic na ‘awra’ pose.

Ito rin ang naging daan upang makapasok siya sa showbiz matapos siyang kunin ni Coco para sa FPJ’s Ang Probinsyano kung saan gumanap siya bilang ang kinagigiliwang bata sa serye na si “MakMak”.

Hindi nga matatawaran ang pasasalamat ni Awra sa kanyang Kuya Coco dahil kung hindi dahil dito ay wala umano siya sa kanyang kinalalagyan ngayon.

Ani Awra, “Super happy and thankful kasi without ‘Probinsyano’ wala ako ngayon. Hindi niyo ako kilala ngayon. Hindi niyo alam kung ano ang pinagbago ng buhay ko kung wala ang ‘Ang Probinsyano.”

Dagdag pa niya, “Si Kuya Coco talaga ang nilu-look up ko…Yung hindi ko makakalimutan kay Kuya Coco ay ‘yung kung paano ko siya naging kuya at tatay at the same time. Tinulungan niya po akong mag-aral, tinulungan niya po akong [magkaroon] ng scholarship… Naging iba po talaga ang lifestyle ko, sa school ko at sa lahat because of ‘Ang Probinsyano… Kuya, sobra-sobrang thank you kasi isa ka sa ginawang instrument ni God. Marami kaming nagbago ‘yung buhay dahil sa iyo…”


CJ Ramos

Si Coco din ang naging dahilan ng pagbabalik-showbiz ni CJ Ramos. Binigyan niya ng pagkakataon ang dating child actor na dumaan sa maraming problema sa kanyang buhay na maging bahagi sa kanyang sikat na action series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Naisip ni Martin na tulungan ang dating mainstay ng “Ang TV” nang malaman niya na nahuli ito sa isang drug-buy bust operation sa Quezon City noong 2018. Pagkatapos makalaya, agad niyang sinubukan makipag-ugnayan kay Ramos na sa mga nakaraang interview ay nagsabing ang pagkakasangkot niya sa droga ay nagsimula nang biglang tumamlay ang kanyang dating matagumpayna na karera sa showbiz noong nag-teenager siya.

Pinuri ni naman ni Coco si CJ dahil sa magagaling na performance niya sa bawat eksena kahit na matagal na siyang hindi nakikita sa showbiz.

Sa isang ekslusibong panayam naman noon sa kanya ni Korina Sanchez na “Rated K”, na ipinalabas noong August 5, sinabi ni Ramos na nagsimula siyang gumamit ng ilegal na droga pagkatapos niyang mag-retiro sa showbiz. Sinabi niya na sa panahon ng kanyang teenage years, naranasan niya ang depresyon nang bigla siyang mawalan ng trabaho sa showbiz na siyang nagpapakain sa kanyang pamilya.

Saad niya na ang droga ang tumulong sa kanyang malunasan ang depresyon at ang mga problemang pinansyal ng kanyang pamilya, ngunit umabuso rin siya sa paggamit nito sa isang punto.

Samantala, para naman kay Coco ang pagtulong niya sa kanyang kapwa artista ay paraan niya upang magbalik-tanaw sa kanyang humble beginnings o pinagmulan.

Matatandaang bago mabigyan ng malaking break sa showbiz at makilala bilang ‘Cardo Dalisay’, nagsimula munang umarte si Coco sa ilang indie films.

Aniya, “Nagbabalik tanaw ako. Wala namang taong nagbibigay sa akin ng pera. Ang binigay sa akin opportunity. Bakit hindi mo bigyan ng pangalawang opportunity para alam mo yun makatulong siya sa pamilya niya at magkaron siya ng sarili niyang direksyon sa buhay.”


Latest articles

More like this