HomeTrendingKilalanin Ang Pinakabatang Billionaire sa Dubai Na Si Rashed Belhasa

Kilalanin Ang Pinakabatang Billionaire sa Dubai Na Si Rashed Belhasa

Published on

spot_img


Ang sabi nila, “life starts at 40”. Pero para sa pinakabatang billionaire sa Dubai, simula nang ipinanganak siya ay balot na ang buhay niya ng karangyaan na para sa karamihan ay tanging panaginip lamang.

Hindi na bago ang magagarbong pamumuhay sa siyudad ng Dubai. Natural na pugad ito ng mga mayayaman, artista, at influencers na gustong maranasan ang high-end city life. Mula sa mga mamahalin na sasakyan hanggang sa mga bahay na pinalilibutan ng tunay na ginto, walang papantay sa luho na ipinapakita ng Dubai.


Pero may mga taong ubod ng yaman na kahit sa pamantayan ng Dubai ay labis-labis. Kilalanin ang magarbong buhay ni Rashed Belhasa at ang istorya kung papaano niya nakamit ang titulong pinakabatang bilyonaryo sa Dubai.

Brief History ng Pamilyang Belhasa


Kilala si Rashed Belhasa bilang pinakamayamang teenager sa United Arab Emirates. Bente anyos pa lamang siya pero nasa apat na milyong dolyar o nasa higit 200 million pesos na ang kanyang net worth na naipundar niya mula sa kanyang pagiging social media influencer at entrepreneur. Bukod pa rito ang bilyong-bilyon na mamanahin ni Rashed sa kanyang ama. Kung susumahin, si Rashed ay isa sa mga pinakabatang bilyonaryo sa Dubai.


Nagsimula ang yaman ng pamilyang Belhasa mula sa kanilang ama. Si Saif Ahmad Belhasa ay isa sa mga major businessman sa UAE at chairman ng Saif Belhasa Group. Nagmamay-ari ang pamilyang Belhasa ng mga kompanya sa iba’t ibang sektor tulad ng enerhiya, transportasyon, trading, real estate, technology, edukasyon, at iba pa.

Sa loob ng ilang taon, kinilala ang pamilyang Belhasa bilang isa sa mga prominenteng pamilya hindi lang sa Dubai kung hindi sa buong UAE. Nakasama ang kanilang pamilya sa World’s 100 Most Powerful Arabs at marami pang mga titulo ang naibibigay sa mga Belhasa sa kanilang walang katumbas na kontribusyon sa ekonomiya ng kanilang bansa.


Tinatayang nasa higit na dalawang bilyong dolyar o nasa 105 billion pesos ang halaga ng yaman ng mga Belhasa. Kaya hindi nakapagtataka na afford na afford ng pinakabatang billionaire sa Dubai ang kaniyang magarbong pamumuhay.

Ang Pang Araw-Araw na Buhay ni Rashed Belhasa


Bata pa lamang si Rashed ay hindi na pinagkaila ng kanyang mga magulang ang yaman ng pamilya. Lahat ng mga hilig ng binata ay naibibigay. Kaya naman bago pa siya tumungtong sa legal na edad para magmaneho ay nagmamay-ari na siya ng armada ng mga sports cars. Ilan sa mga modelo ng sasakyan na nasa koleksyon ni Rashed ay ang V12 Lamborghini Aventador na naghahalaga ng higit na 26 million pesos at ang Ferrari F12 Berlinetta na balot ng Louis Vuitton at Supreme Logos na nasa 21 million pesos.


Hindi lang sports car ang hilig ni Rashed Belhasa. Mayroon din siyang mga luxury cards tulad ng Rolls-Royce Wraith na sikat na kotse para sa mga mayayaman na naghahalaga lang naman ng halos 18 million pesos.

Bukod sa pamamasyal sakay ng mga mamahaling sasakyan at private jets, hilig din ng binata ang mag vlog ng pang araw-araw na buhay sa kanyang YouTube channel, Money Kicks. Nagsimulang mag-vlog si Rashed noong siya ay 13 years old pa lamang at ngayon ay mayroon na siyang 3.5 million subscribers.


Sa kanyang vlog ay ipinakita ni Rashed ang kanyang iba’t ibang koleksyon ng mga mamahaling bagay. Isa na rito ang kanyang multi-million dollar sneaker collection na naglalaman ng mga rare at usong sapatos. Sa lahat ng koleksyon ng sapatos ni Rashed, pinaka-memorable para sa binata ang limited edition soccer cleats na sinuot ng Machester United midfielder na si Paul Pogba na mayroon lamang labing-apat na pares na ginawa.


Pero ang pinaka-testimonya ng yaman ni Rashed Belhasa ay ang kanyang bahay na isang magarbong paradiso. Sobrang laki ng mansyon ng pamilyang Bellhasa sa Dubai na kinakailangan pa nilang sumakay ng golf cart para lang makarating sa iba’t ibang bahagi ng kanilang estate.

Ang bahay ng mga Belhasa ay sikat hindi dahil sa kalakihan nito. Ito ay dahil sa malawak na private zoo na nasa loob ng kanilang mansyon. Ang private zoo ng mga Belhasa ay naglalaman ng halos higit na 500 exotic na hayop na sinimulang kolektahin ng kanilang ama at ipinagpapatuloy ni Rashed. Ilan lamang sa mga alaga nila sina Versace na isang leon, si Gucci at Dior na orangutan, at si Bert at Ernie na mga giraffe.


Hindi lang sa pera mayaman si Rashed Belhasa kung hindi pati na rin sa mga koneksyon. Halos lahat ng mga kilalang artista na bumibisita sa Dubai ay personal na nakikilala ng binata at ang iba ay bumibisita pa sa kanyang bahay. Ilan na lamang sa mga artista na nakilala ni Rashed ay sila Paris Hilton, Jackie Chan, Nicki Minaj, Khloe Kardashian, at ang football player na si Messi. Madalas din siyang nakikitang kasama ng mga kilalang personalidad at social media influencers tulad ni Logan Paul, Tyga, at Floyd Mayweather.


Kahit na laki sa yaman si Rashed Belhasa at may mga luho na hindi kailanman mararanasan ng ibang mga tao, alam pa rin niya kung gaano kahalaga ang pagtratrabaho. Sa ngayon ay patuloy na pinapalago ni Rashed ang kanyang sariling business na streatwear line na kilala bilang “KA-1”. Pangarap din ni Rashed na sumunod sa yapak ng kanyang ama bilang isa sa mga mahusay at matagumpay na businessmen sa buong mundo.


Latest articles

More like this