HomeTrendingKiray Celis, isinantabi ang pag-aaral para unahin ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Kiray Celis, isinantabi ang pag-aaral para unahin ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Published on

spot_img




High school pa lang ang kanyang natatapos! Ito ang inamin ng aktres at dating Goin’ Bulilit Star na si Kiray Celis para lang makapagbigay daan sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid at matustusan ang pangangailangan ng kanyang mga magulang.

Sa panayam nito sa programa ni Ogie Diaz, naikwento ni Kiray na nais hilig nitong pumasok araw-araw sa eskwelahan.

 


Sumubok itong mag-homeschool pero nahirapan ito at nagdesisyon na ihinto na muna ang pag-aaral at magtrabaho na lang muna.
“Magka-college na lang ako kapag stable na talaga. Ngayon po kasi parang kailangan pa ako ng family ko… Kaya ko naman pong balikan yun eh. Sabi ko nga po kay mama, pag may pera na ko, pag okay na kayo, kaya ko namang mag-aral. Ako na magpapaaral sa sarili ko,” ani Kiray.

Kiray Celis | Facebook



 

Kiray Celis | Facebook

 

Madalas nga itong mag-viral at kamanghaan sa social media dahil sa pagpapakita nito ng pagpapahalaga sa kanyang pamilya.
Ilan sa mga ito ang pag-regalo niya sa kanyang ina ng P57,000 pesos noong ika-57 nitong kaarawan at P63k naman sa ama noong 63th birthday nito.

Batid ni Kiray na hindi na bumabata ang kanyang mga magulang kaya naman ang tanging hangad nito ay mabigyan sila ng komportable at masaganang buhay.


Kiray Celis | IG

 

Ogie Diaz | YouTube


“Inuna ko lang po yung family ko ngayon kasi lalo na yung mama’t papa ko, hindi naman na pabata. Ang mindset ko po ngayon, kung ano pong kaya kong ibigay sa kanila, binibigay ko na lahat para maranasan na nila yun. Kasi masyado na rin pong late yung sarap nila sa buhay ngayon e. Kasi parang ngayon ko lang po naibigay kaya sinasagad-sagad ko na po. Kasi senior na yung papa ko tas mama ko malapit nang mag-senior.”
Sa ngayon ay napagtapos na nito ang kanyang dalawang kapatid, may ilang mga bahay na paupahan, sariling bahay at sariling kotse. Mas gusto rin nitong manirahan kasama ang pamilya at walang pang balak na mag-sarili sa buhay.

Katuwang ang kanyang boyfriend na si Stephan Estopia, pareho nilang prayoridad ang kanilang mga magulang at nangakong pagkatapos ng responsibilidad sa pamilya ay mas pagtutuunan na ng atensyon ang mga pangarap nila para sa kanilang relasyon.


Kiray Celis | Facebook

Latest articles

More like this