HomeTrendingKiray Celis Niregaluhan Ang Ina ng Bagong Bahay At Mga Gintong Alahas

Kiray Celis Niregaluhan Ang Ina ng Bagong Bahay At Mga Gintong Alahas

Published on

spot_img

Ibinahagi ng kilalang komedyante at artistang si Kiray Celis sa kaniyang isang video vlog, ang kaniyang regalo sa kaniyang pinaka mamahal na ina, na si Nanay Meriam, hindi lang isang paupahang bahay ang kaniyang ibinigay dito, hinandugan din niya ito ng magagandang mga gintong alahas, dalawang kuwintas at isang singsing.

Pinakita ni Kiray ang bawat bahagi ng kaniyang bagong gawang tatlong palapag na bahay o kanilang paupahan, para sa kaniyang nanay Meriam, pinasilip niya ang itsura ng sala, banyo at ang lababo nito sa unang palapag, mayroon namang maliit na kwarto na pwedeng lagyan ng aircon sa ikalawang palapag, sa ikatlong palapag naman ay terrace kung saan may maluwag na espasyo.

Naibahagi niya na hilig ng kaniyang papa ang terrace para magpahangin, para sa kanilang mga alagang aso o kaya naman pag may bisita, perfect tambayan.

Habang busy ang kaniyang ina sa pag aasikaso ng kanilang mga bisita, sinabi niya na may sorpresa pa ito para sa kaniya, dito na niya pinaakyat ang kaniyang boyfriend at dala dala nito ang mga paperbag na naglalaman ng kaniyang sorpresa.

Pinakita na niya ang mga gintong alahas na kaniyang binili at labis ang tuwa ng kaniyang nanay, ganun din ang kanilang mga kasamang bisita.

Tinanong niya ang kaniyang ina kung ano nararamdaman nito sa kaniyang regalong bahay, sinabi nito na masaya siya, masarap at hindi niya ma explain kung ano ang mararamdaman niya.

‘SWERTE AKO NAGKAANAK AKO NG KIRAY” -sambit ng kaniyang ina.

Latest articles

More like this