HomeTrendingKomedyanteng si Dagul, hindi na nakakalakad at umiiyak na ibinahagi ang kanyang...

Komedyanteng si Dagul, hindi na nakakalakad at umiiyak na ibinahagi ang kanyang buhay ngayon

Published on

spot_img


Si Romy Pastrana o nakilala sa pangalan bilang si “Dagul,” ay isang sikat na komedyante sa mundo ng showbiz kung saan ay nagbibigay siya ng walang sawang saya sa mga tao sa pamamagitan ng pagpapatawa.

 

Ngunit sa kabila ng masayahing mukha at paghahatid ng ligaya ni Dagul sa mga tao ay tila yata kabaliktaran na ang nangyari ngayon dahil sa kanyang iniindang karamdaman ay hindi maiwasang mapuno ng drama at pagsubok ang kanyang buhay ngayon.

Ayon kay Dagul, hirap na siyang maglakad mag-isa kung kaya naman madalas ay naka-wheelchair na lamang siya at kung minsan ay binubuhat na lamang siya ng kanyang anak kung sakali mang nais nitong lumipat ng ibang pwesto.

Larawan mula sa showbiz

 

Larawan mula sa showbiz

“Siguro hindi na kaya ng bigat ng katawan ko, Out balance talaga. Kumbaga sa kandila parang nauupos na.”

Banggit pa ni Dagul, dati ay sinubukan niya tumakbo bilang isang konsehal sa kanilang lugar ngunit hindi siya pinalad.

“Tumakbo akong konsehal. Hindi naman ako pinalad, walang kumukuha kaya ano lang muna, raket-raket… sabi ko sikat ka naman noon, lumubog ka ngayon. Ang showbiz, weder-weder lang.” ayon kay Dagul.

Kwento pa ni Dagul, nakapundar naman siya ng bahay para sa kanyang pamilya noong maganda pa ang kinikita niya noon sa pag-arte, ngunit naubos na umano ang kanyang ipon.


Larawan mula sa showbiz

 

Larawan mula sa showbiz

“Sabi ko sa mga anak ko, ‘Tiis-tiis lang. Ganun talaga ang buhay, hindi ‘yung lagi tayong nasa itaas, minsan nasa ibaba,” ani Dagul.

Ayon sa kanya, sobra umano ang hiya niya na humingi ng tulong sa mga dati niyang kasama sa showbiz ngunit minsan ay nilulunok na lamang niya ang hiyang iyon alang-alang sa kanyang pamilya.

Isa sa mga naging katrabaho niya sa showbiz na si Benjie Paras ang lagi umanong nandyan kapag nangangailangan siya ng pinansyal na suporta.

“Napakabait. Pag tine-text ko ‘yan na talagang walang-wala ako, nagre-reply ‘yan, ‘Sige brod, magpapadala ako sa yo.”

Noong unang nalaman ni Benjie ang naging kalagayan ng kaibigang si Dagul ay kaagad niya itong binisita.

Larawan mula sa showbiz


 

Larawan mula sa showbiz

“Nabalitaan ko nga na hindi na siya makalakad. Kung sakaling magkakaroon siya ng mga role, limitado na, kung mapayagan na makagawa ng show ulit, maisama kita. Ang role mo lang naman dun nasa loob ng bote, so hindi ka gagalaw,” ayon kay Benjie.

Sana ay dumami pa ang tumulong kay Dagul dahil hindi din biro ang kanyang pinagdadaanan lalo na at may mga anak pa itong binubuhay.

***


Latest articles

More like this