HomeTrendingLalaki, nakapagpatayo ng magandang bahay sa halagang 50,000 pesos. May aircon pa!

Lalaki, nakapagpatayo ng magandang bahay sa halagang 50,000 pesos. May aircon pa!

Published on

spot_img



Marami ang namangha sa isang dakilang ama na nakapag ipon ng P50,000 at kalauna’y ginamit ito upang makapagpatayo ng sariling tahanan para sa kanila ng kaniyang pamilya.

Ang lalaki ay kinilalang si Henry Tugot, asawa ni Rejeen Tugot na mayroong dalawang anak. Apat na katao na mamamalagi sa munting tahanang binuo ni Henry.

 

 

Ayon sa Facebook post na ibinahagi ng news reporter na Russel Simorio, ang perang nalikom daw ni Henry na ginamit sa pagpapatayo ng kanilang bahay ay galing sa mga pa-extra extra niya sa trabaho.
Bukod sa pagiging masinop at madiskarte, marami ang mas lalo pang humanga kay Henry ng malaman na ginawa lang niya ang naturang bahay sa loob ng dalawmpu’t limang araw.
Russel Simorio GMA | Facebook

 

Russel Simorio GMA | Facebook


 

Sa kabuuang sukat na 14×16 feet, ang bahay ay may isang kwarto, sala, kusina at mayroon pang terrace.
Russel Simorio GMA | Facebook

 

Russel Simorio GMA | Facebook

 

Russel Simorio GMA | Facebook


 

Ayos na ayos at mas lalo pang naging komportable ang bahay na ito dahil kinabitan din ito ni Henry ng aircon!
Russel Simorio GMA | Facebook

 

Russel Simorio GMA | Facebook

 

Russel Simorio GMA | Facebook


 

Hindi man kalakihan ang espasyo ay kitang kita naman ang galing at diskarte nito para mapaganda ng husto ang bahay.
Kitang-kita sa mga larawan kung paano niya ito sinimulan at natapos.
Gamit ang mga eleganteng wallpaper sa loob ng bahay at maaliwas na kulay ng pintura sa pang labas nito, samahan pa ng mga cute at maliliit na halaman sa paligid.
Talaga namang hindi maitatanggi na “work of art” sa murang halaga ang munting tahanan na ito.
Russel Simorio GMA | Facebook

 

Russel Simorio GMA | Facebook

 

Latest articles

More like this