HomeTrendingLalaking dating naistroke, binansagang walking hotdog, naghahanapbuhay pa rin at nagtitinda ng...

Lalaking dating naistroke, binansagang walking hotdog, naghahanapbuhay pa rin at nagtitinda ng hotdog upang makatulong sa pamilya

Published on

spot_img


Maraming hirap ang pinagdadaanan sa atin ngayon lalo na sa pagdating ng pandemya. Marami ang nagrereklamo na nahirapan sila sa paghahanap ng trabaho at marami ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pagbabawal ng mga pagtitipon-tipon at paglimita ng paglalabas ng mga tao. Kaya naman maraming nagsara na mga establisimento at nagbabawas ng mga empleyado.

Sa kabilang dako, mas mahirap pa rin ang pinagdadaanan ng mga kapwa nating pinoy na may mga pisikal na kapansanan ngunit pinipilit na magtrabaho at magbanat ng buto upang mabuhay at makatulong sa pamilya.


Sa kabila ng pisikal na kapansanan na pinagdaanan, hindi naging hadlang kay Mang Bobby ang maghanapbuhay para makatulong sa gastusin ng kanyang pamilya. Ayon sa netizen na si Neil Bote na nagbahagi sa Facebook, siya ay namangha at bumilib kay Mang Bobby dahil napag-alaman nito na sya pala ay nating nang naistroke.

Natagpuan ni Neil si Mang Bobby na naglalako ng hotdog buns sa Reposo sa Makati City. Araw-araw umano ito naglalako dala ang isang lalagyan na nakakabit sa kanyang katawan. Makikita na may kabigatan din ito ngunit matiyaga na nagtatrabaho si Mang Bobby upang sa mabuting paraan, makatulong sya sa kanyang pamilya.

\


Ang negosyong mobile hotdog stand umano ay tulong mula sa isang foreign NGO na tumutulong sa mga PWDs na makapag-hanapbuhay. Isa itong mabuting paraan upang suportahan ang may mga pisikal na kapansanan na nagnanais pa rin na magtrabaho para sa mga mahal buhay.

May piligro rin sa trabaho ni mang Bobby lalo na at dati na syang nagkasakit. Hindi sya maaring magbilad ng matagal sa ilalim ng init ng araw dahil maaari itong magsanhi ng pagtaas ng kanyang blood pressure.

Siya ay nag-iikot ikot sa Makati upang magtinda. Nananawagan naman si Neil Bote na kung sino man ang makakita at makasalubong kay Mang Bobby ay bumili sa kanyang paninda upang kahit sa maliit na paraan ay makatulong sa kanyang pangangailangan.

 

advertisement


 

Latest articles

More like this