HomeTrendingLolit Solis, Biglang Nanigas Ang Katawan Pagkatapos Ng Dialysis

Lolit Solis, Biglang Nanigas Ang Katawan Pagkatapos Ng Dialysis

Published on

spot_img


Hindi maiwasang matakot ng batikang showbiz columnist na si Lolit Solis matapos manigas ang kanang bahagi ng kanyang katawan pagkatapos ng kanyang dialysis session.

Sa kanyang Instagram post nitong January 4, ikwenento ni Lolit ang nakakatakot na karanasan niya sa pagpasok ng taong 2023.

Ayon kay Lolit, pakiramdam niya ay nakaranas siya ng mild str0ke matapos manigas ang kanang bahagi ng kanyang katawan pagkatapos ng kanyang dialysis noong January 3.


Aniya, “Naku Salve, talagang I got the big scare in my life kahapon dahil parang feeling ko nagkaroon ako ng mild stroke. Biglang after my dialysis session, nanigas ang right side ng body ko , at nag slur ako sa pagsasalita. Muntik nga daw ipabalik ni Mel ang sasakyan sa hospital dahil hindi niya maintindihan ang pagsasalita ko. Talagang passed out ang utak ko that moment. Ewan ko kung ano ang nangyari.”

Aminado nga si Lolit na labis siyang natakot dahil sa nangyari lalo na’t unang beses itong nangyari sa kanya.


Aniya, “Medyo natakot ako dahil first time ko talaga naranasan iyon at very scartalaga…”

Dagdag pa niya, “Ewan ko ba kung bakit meron pang namatay sa session namin ng dialysis kaya parang nagtanong pa ako sa sarili ko, bakit kailangan pang mag dialysis eh mamamatay ka rin pala…Naku ang morbid talaga na first week pa lang ng New Year 2023 ito na agad ang topic, kainis talaga.”

Sinabi rin ni Lolit na dahil sa nangyari kaya napagdesisyunan niyang pumunta sa kanyang doktor para sumailalim sa lab test.


Sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin naman si Lolit dahil agad na bumalik sa normal ang lahat at umabot pa siya ng 2023.

Aniya, “Pero salamat kay God afrer 5 minutes yata balik na sa normal ang lahat. Pero decided na ako to see my doctor at magpa lab test…Pero syempre dahil nadagdagan ang edad, dagdag hina narin ng katawan. Hay naku Salve at Gorgy, at least, inabot pa natin ang 2023. Buhay na buhay, kaya bongga parin.”


Latest articles

More like this