HomeTrendingLolit Solis to Ryzza Mae Dizon sa Pagtira sa Condo Niya Noon:...

Lolit Solis to Ryzza Mae Dizon sa Pagtira sa Condo Niya Noon: “Never Nag Thank You, Kaloka Ha!”

Published on

spot_img


Tila trending at usap-usapan ngayon ang batang aktres at Dabarkads Eat Bulaga host na si Ryzza Mae Dizon dahil sa isang revelation ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis tungkol diumano sa pagtira nito ng libre sa kanyang condo unit noon.

Sa kanyang Instagram post, ibinunyag ni Solis ang kanyang sama ng loob sa batang host dahil hindi raw ito kailanman nagpasalamat sa kanya matapos niya itong patirahin sa kanyang condo ng libre sa pakiusap raw ni Malou Fagar, dating chief operating officer ng TAPE Inc. at producer ng longest running show na Eat Bulaga.

Photo credit to Lolit Solis Official | Instagram

 

Ayaw na nga raw sana niyang isambulat ang katotohanang iyon ngunit nais niyang malaman, matapos ang ilang taon, kung ano raw ang magiging sagot ni Ryzza ukol dito.

“Ayoko sana IG ito pero hindi ko lang matiis malaman kung ano magiging sagot, Salve”, ani Solis.

Ayon sa kolumnista, tumira ng halos isang taon sa kanyang condo ang batang host pero sa hindi niya alam na dahilan ay never itong nakaalala na bumati sa kanya sa kahit na anong okasyon man. Hindi rin daw diumano ito nagpasamalat sa pagtira ng libre doon at kahit kailan ay hindi siya kinamusta.


Photo credit to Lolit Solis Official | Instagram

 

“Alam mo ba na tumira ng halos 1 year na libre sa condo unit ko si Ryzza Mae ng Eat Bulaga dahil kay Malou Fagar ? Pero never nakaalala bumati ng birthday o Christmas. Never man lang nag thank you, kaloka ha. At ngayon nga, never man lang nagparamdam na kumustahin ako, bongga. “, post ni Solis.

Dagdag pa niya, parang ang lumalabas diumano ay siya pa ang may utang na loob dito.

“Para bang utang na loob ko pa na tumira siya ng libre sa condo unit ko ha.” pasaring ng kolumnista.

Paliwanag ni Solis, ayaw na raw sana niyang isumbat ang lahat ng iyon ngunit naalala raw niya kasi ang pangyayaring iyon ng makita si Ryzza muli sa telebisyon.

Mukhang hindi kasi makapaniwala si Solis na mayroon pala talagang mga taong tulad ni Ryzza na hindi raw marunong magpasalamat at maka-alala sa mga taong tumutulong sa kanila noong nangangailangan pa sila.

“Ayaw ko isumbat, naisip ko lang bigla kasi napanuod ko siya. Meron pala ganuon tao hindi naalala mga bagay na nagawa mo sa kanila, basta ganuon lang, parang hangin dumaan.”, aniya.

 
Photo credit to Lolit Solis Official | Instagram


Ngunit sa kabila ng nangyaring iyon, ani Lolit ay wala namang problema sa kanya ang ginawa ni Ryzza at baka sakaling dumating rin ang panahon na siya naman raw ang makitira sa bata ngayong alam naman ng lahat na mayaman na ito at umangat na sa buhay.

“Ok lang, wala naman problema, malay mo one day ako naman makitira sa bahay ni Ryzza Mae hah hah hah, as if.”, pabirong tugon ng kolumnista.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Ryzza sa rebelesyong ito ni Solis ngunit siguradong nakaabang ang mga netizens at mga marites sa kanyang magiging paliwanag rito.


Photo credit to Ryzza Mae Dizon | YouTube
***

Matatandaang nakilala si Ryzza Mae Dizon sa pagsali at pagkapanalo nito sa “Little Miss Philippines” ng “Eat Bulaga” noong 2012.Simula noon, naging parte na siya ng show, tinaguriang ‘Aling Maliit’, nagkaroon ng mga pelikula at TV drama series at sa edad na anim ay naging pinakabatang host na may sariling TV program na ‘The Ryzza Mae Show’ na umere sa GMA 7 sa loob ng dalawang taon.

SourceBandera


Latest articles

More like this