HomeTrendingLolo, naiyak na lamang sa ginawa ng lalaki na bumili ng kanyang...

Lolo, naiyak na lamang sa ginawa ng lalaki na bumili ng kanyang paninda

Published on

spot_img



Kumurot sa puso ng marami ang viral video ng isang lolo na buong sikap na nagtitinda ng iba’t ibang gamit sa bahay sa kabila ng kanyang katandaan.

Gamit ang kanyang bisikleta, matiyagang naglilibot at naglalako ang matanda upang maibenta lamang kanyang mga paninda.


Ngunit hindi niya inasahan ang sumunod na mangyari matapos bumili sa kanyan ang isang lalaking nakaparada sa gilid ng kalsada na tila hinintay siya.

“Magkano tabo?” tanong ng lalaki habang paparaan ang bisikleta ng matanda.
Lumapit naman ang lolo bitbit ang dalawang plastik na tabo.

Nagabot ang lalaki ng isang libo at makikita sa video ang pangamba ng lolo dahil wala siyang panukli rito.
“Barya lang po,” ani ng matanda.
“Wala kayong barya? Bale inyo na ‘yan, dagdag niyo na sa kita niyo,” sagot ng lalaki.


Laking gulat ng matanda at maiyak-iyak ito na nagpasalamat sa kanya.
“Salamat po! Malaking biyaya ito, ” sambit ni lolo.
Dahil sa labis na tuwa na idinulot nito sa matanda, dinagdagan pa ito ng lalaki ng isa pang libo.


“Mag-ingat po kayo. Maraming salamat po,” banggit ni lolo na kitang kita ang tuwa sa kanyang mukha.
Marami naman ang naantig at bumilib sa tagpong ito at nagbigay din ito ng inspirasyon dahil sa walang pagod na pagsisikap ng matanda.
“Nakakabilib ang dalawang tao sa video. Si lolo na namumuhay ng patas at hindi nabuhay sa limos at ang bumili sa kanya na naging daan para gumaan ang loob ni Lolo at hindi niya kailangang isipin ang kikitain niya sa araw na iyon.”

Ang ilan naman ay nais mahanap ang lokasyon ng matanda upang matulungan ito.
“Hindi ko alam kung saan makikita si Lolo, pero sana mas marami pa ang magpaabot ng tulong sa kanya lalo na at pinagtatrabahuhan naman niya ito, hindi lang basta hingi.”
Umabot na sa 4.5M views ni @malakimata27 ang video na ito matapos mai-upload sa Facebook.
Panoorin ang buong video:
Tunay kang inspirasyon sa marami, ‘Tay!


Latest articles

More like this