HomeTrendingLucile Randon: Pinakamatandang Taong Naninirahan sa Buong Mundo, Pumanaw Na

Lucile Randon: Pinakamatandang Taong Naninirahan sa Buong Mundo, Pumanaw Na

Published on

spot_img



Lahat tayo ay may gusto na magkaroon ng mahabang buhay. Kung hindi man makaabot ng tatlong numero ang atin edad, nangangarap pa rin tayo ng sapat na taon para matupad at makuha natin ang lahat ng gusto natin sa buhay.

Ayon sa mga pag-aaral, tinatayang nasa 73 years old ang life expectancy ng bawat tao sa mundo. Kung lumagpas diyan ang edad mo ay maituturin na itong isang malaking achievement dahil ibig sabihin nito ay talagang malakas ang iyong resistensya at mabuti ang iyong pangangalaga sa iyong kalusugan.

Pero sadyang may mga tanyag na indibidwal na pinagpala ng mahabang buhay na iilan ang makakaabot dito. Kilalanin si Lucile Randon, ang pinakamatandang taong naninirahan sa buong mundo.


Ang Buhay ni Lucile Randon

Ipinanganak noong February 11, 1904, si Lucile Randon ang kinikiilala bilang pinakamatandang tao sa buong mundo. Siya ay 118 years old na at nasungkit niya ang titulong pinakamatandang taong naninirahan sa mundo nang yumao ang isa pang supercentenarian na si Kane Tariaka sa edad na 119 years old.

Kahanga-hanga ang buhay ni Lucile Randon. Siya ay ipinanganak sa Ales, France kay Paul Randon at Alphonsine Delphine Yeta Soutoul. May dalawa siyang kapatid na lalaki ngunit ang kanyang kambal na si Lydie ay namatay isang taon matapos silang ipanganak.

Image via Wikimedia



Lumaki si Lucile sa isang Protestanteng pamilya kung saan isang kilalang pastor ang kanyang lolo. Naging governess o isang private tutor si Lucile noong siya ay 12 years old pa lamang at dito nagsimula ang kanyang pagmamahal sa pagtuturo at pag-aalaga ng bata.

Pinagpatuloy ni Lucile Randon ang pagiging governess at guro sa isang prominenteng pamilya sa Versailles hanggang siya ay tumungtong sa edad na 20 years old. Mula sa pagiging Protestante, nahanap ni Lucile ang kanyang tawag sa buhay nang magpa-convert siya sa Katolisismo noong 1923 at sumali sa Catholic order na tinatawag na Daughters of Charity noong 1944.


Si Lucile Randon Bilang Sister Andre

Nasa kasagsagan ng World War II nang manumpa si Lucile Randon sa Daughters of Charity bilang isang madre. Kinuha niya ang pangalang Sister Andre bilang pagbigay-karangalan sa kanyang nakatatandang lalaking kapatid.

Malawak ang kasaysayan ng kumbento ng Daughters of Charity sa France, lalo na sa kanilang papel na ginampanan noong French Revolution. Nang pumutok ang World War II, kasama ang Daughters of Charity sa mga nagbigay ng tulong sa mga sundalo, nagpakain sa mga mahihirap, at kumupkop sa mga naulilang bata.


Nang matapos ang World War II, naging misyonaryo si Sister Andre at nagsilbi sa isang ospital sa Vichy, France. Doon, nanilbihan siya sa mga batang ulila at mga matatanda ng 18 na taon bago siya lumipat sa isa ulit na ospital sa La Baurne-d’Hostun, Drome noong 1963.

Pormal na nagretiro si Sister Andre sa full-time na pagtratrabaho sa ospital sa edad na 75.

Ang Retiradong Buhay ni Lucile Randon

Image via Mint

 


Matapos magdesisyon si Lucile Randon na magretiro sa pagtratrabaho, nanirahan siya sa EHPAD sa Savoie simula noong 1979. Ang EHPAD ay isang malawak na retirement home para sa mga senior citizens sa France.

Kahit siya ay retirado na, buhay pa rin sa puso ni Lucile ang paninilbihan sa iba. Habang siya ay nasa EHPAD, patuloy na tumutulong siya sa iba pang kasama niyang matatanda at may sakit hanggang siya ay tumungtong sa edad na 100.


Noong 2009, lumipat si Lucile sa isang retirement home sa Toulon noong 2009. Sa edad na 105, wheelchair-bound at hirap nang makakita si Lucile Randon pero malakas at masigla pa siya. Nang ipagdiwang niya ang kanyang ika-115 na kaarawan noong 2019, personal na sinulatan siya ni Pope Francis at binigyan ng isang blessed rosary. Ayon kay Lucile, ang rosary na ito ay isa sa mga pinaka-importanteng bagay para sa kanya.

Nang lumala ang pandemya sa France, isa si Lucile sa mga nagpositibo sa COVID-19 noong 2021. 81 mula sa 88 na residente ng retirement home na kinabibilangan ni Lucile ay ang nagpositibo sa COVID. Sa kabila ng pangamba ng lahat, hindi naging malala ang kalagayan ni Lucile. Siya ay asymptomatic hanggang siya ay gumaling. Dahil dito, kinilala si Lucile Randon bilang pinakamatandang COVID-19 survivor.


Nagdiwang ng ika-118 na kaarawan si Lucile ngayong taon at nakakuha pa siya ng isang handwritten letter galing kay President Emmanuel Macron. Marami ring taga-hanga si Lucile na madalas siyang bigyan ng kanyang mga paboritong tsokolate at wine.

Ano ang sikreto sa mahabang buhay ni Lucile Randon? Ayon sa kanyang mga tagapag-alaga sa nursing home, wala namang hindi ordinaryong ginagawa si Lucile para mapahaba ang kanyang buhay. Routine ni Lucile na gumusing ng alas-siyete sa umaga, mag-almusal, at dumalo ng misa. Kahit hindi na siya makakita at may kahirapan na sa pandinig dahil sa kanyang edad, hindi raw lumiliban si Lucile Randon sa pagsimba.


Habang ang iba ay naniniwala na dahil sa matinding pananampalataya ni Sister Andre sa Diyos ay nabiyayaan siya ng mahabang buhay, ang iba naman ay itinuturo ang araw-araw na pag-inom ng wine at pagkain ng tsokolate. Alinman sa dalawang iyon, hindi natin maipagkakaila na sadyang kahanga-hanga na siya ay umabot sa 118 years at mas matagal pa.

Dagdag pa ng kanyang mga tagapag-alaga, isa sa layunin ni Lucile Randon ang malagpasan ang edad ni Jeanne Calment na isang French woman na namatay sa edad na 122 years old noong 1997. At hindi ito malabong mangyari dahil malakas pa ang kalusugan ni Sister Andre. Ikaw, sa tingin mo ba ay aabot ka ng higit na isang daang taon sa mundo?


Latest articles

More like this