HomeTrending"ma binalik ung gift ko" malungkot na kwento ng isang bata matapos...

“ma binalik ung gift ko” malungkot na kwento ng isang bata matapos ayawan ang kanyang biniling pang-exchange gift.

Published on

spot_img

 



Ibinahagi ng isang ina ang nakalulungkot na naging karanasan ng kanyang anak matapos ang kanilang Chrismas Party sa paaralan.
Kwento ng netizen na si Christina Ursua Francisco, excited ang kanyang bunso para sa nalalapit na kaganapan. Ito raw ang kauna-unahang Christmas party na dadaluhan nito kaya siya pa mismo ang pumili ng regalo para sa kanilang pinaka-aabangang exchange gift.

 

 

Ngunit sa halip na masayang alaala ay tila bangungot ang nangyari sa batang si Criza, narito ang kwento ng kanyang ina.
“Mag rant lng ako pasensya na fb friends di kc ako makamove on alam ko napahiya at nsaktan anak ko..Sa iba cguro maliit n bagay to pero sken iba tlga pag anak ko ang sumama ang loob..”
“So eto na nga: Criza ung bunso ko ugali nya tlga na pag magreregalo ay sya ang mamimili so akong mother ehh go lng khit magkano pa yan.. i told her na 100 pataas ang price dapat..so she choose this pop it bag pra panregalo nya..”

Masaya at maayos na nagsimula ang programa. Nariyan ang iba’t ibang palaro para sa mga bata, sayawan, kainan at palitan ng regalo. Ngunit ikinagulat na lang ng nanay na si Christine ng lumapit sa kanya ang anak, bakas ang kalungkutan sa mga mata nito.


Christine Ursua Francisco | Facebook

 

“So the xmas party begins…the program goes on kainan, games exchanging gifts nakuha ng anak ko parang damit pero d namin binuksan sabi ko s bahay na.. after the party i choose to help their teacher to clean the room..mya mya lumapit sken anak ko”
“ma binalik ung gift ko” saad ng batang si Criza.
“sinauli ng kapalitan nya with her mother ung gift nya at kinuha dn ung gift nung bata in front of other classmates…”
“nakita ko ung sadness sa mukha nya pra d magpatuloy ung lungkot i told her na its ok baby just sit there i will just finish this then will go home bibilhan kita ng ibang gift..”
“habang pauwi kami she said “ma ayaw nila ng gift ko?” Pra akong dinurog shutanesss.. sbi ko n lng s knya hindi baby bka di lng sya mahilig sa girl things..tara na lakad n uwi n tayo..”

Christine Ursua Francisco | Facebook


 

“grabe may ganun pala kaya ayoko isasali mga anak ko sa mga ganyan party..first time nya to join this year at sya lng s mga anak ko ang sumali s gnyan..kya grabe nasaktan ako pra sa anak ko..”
Umani ng samu’t saring reaksyon sa social media ang himutok ni mommy Christine na ang dapat sana’y give love on Christmas day ay napalitan ng nakakalungkot na returning gifts on Christmas day.
Agad raw nitong ibinenta ang regalong bag ng anak para hindi na niya ito makita at mabura sa isipan ang mapait na alaala.

 

Christine Ursua Francisco | Facebook

                                                                                                        Christine Ursua Francisco | Facebook

Latest articles

More like this