HomeTrendingMag-asawa, Pinusuan ng Netizens Matapos Bilhan ng Damit at Bihisan ang Nakahubad...

Mag-asawa, Pinusuan ng Netizens Matapos Bilhan ng Damit at Bihisan ang Nakahubad na Pulubi sa Kalye

Published on

spot_img



Viral ngayon at talaga namang hinangaan at pinusuan ng netizens ang mag-asawa na nakitang tumulong sa isang matandang pulubi na hubot-hubad sa kalye.

Sakay ng kanilang motorsiklo, nakita diumano ng mag-asawa ang matanda na wala ni anumang suot at tila kinukutsa at pinagtatawanan ng mga taong napapadaan dito.

“Nung pagbalik po namin saktong nakita ko po si Tatay sa may Caloocan Sports Complex na banda po, nakahubad Nakita ko pinagtatawanan ng mga tao eh.”, ani Wilfredo, 24.




Kasama ni Wilfredo ang kanyang asawa na si LJ Adop na una diumanong nakakita sa matanda.Sobra diumano ang awa na kanilang naramdaman sa matandang pulubi kaya hindi sila nagdalawang-isip na tulungan ito kaya binilhan nila ito ng pagkain at damit na maisusuot.

Mabuti na lamang daw ay may malapit na ukay store sa lugar at mabilis silang nakabili ng damit para kay tatay.


Photo credit to LJ Adop | Facebook

 

Photo credit to LJ Adop | Facebook


Hindi naman alintana ni Wilfredo ang pangamba ng virus at walang pag-aalinlangang lumapit at binihisan ang matanda.

“Sinuotan ko siya, kumapit siya sa dalawang balikat ko. Hindi ko na din naisip ‘yung virus virus, naawa kasi ako kay tatay”. dagdag ni Wilfredo.

Lubos naman ang paghanga ni LJ Adop sa kanyang asawang si Wilfredo sa ginawa nito sa matanda kaya kanyang ibinahagi sa social media ang kakaibang pangyayaring naganap sa kanilang mag-asawa noong araw na iyon.


Photo credit to LJ Adop | Facebook

 

Photo credit to LJ Adop | Facebook


Marahil nais niyang maging isang magandang ehemplo na rin sa iba, pamarisan at maging inspirasyon sa pagtulong sa kapwa sa kanit ano mang paraan.

Photo credit to LJ Adop | Facebook


 

Photo credit to LJ Adop | Facebook
Narito ang kanyang full Facebook post:
 

“*Kanina habang paalis kami


Me ; posh my nakita akong lalaki naka hubad as in walang damit.

*Pag balik name
 
Me; posh ayan sya oh .

Posh ; wait posh . Bilhan nten damit san merun bilihan kahit ukay lang . Nakakaawa naman pinag tatawanan.



*Buti nlang may malapit na ukay store.


Thankyou Posh nakapabait mo talaga.”


Latest articles

More like this