HomeTrendingMag-asawang Janitor naipagtapos ang dalawang anak sa Ateneo De Manila University!

Mag-asawang Janitor naipagtapos ang dalawang anak sa Ateneo De Manila University!

Published on

spot_img


Nakapagtapos ng kolehiyo bilang cum laude ang dalawang magkapatid sa Ateneo de Manila University sa tulong ng kanilang magulang na parehong janitor sa nasabing pamantasan.

Naka-graduate ng Management Economics si Rica Gutierrez ngayong taon, habang nakapagtapos ng Psychology ang kapatid niyang si Riel noong 2019.


 

Kwento ng mag-asawang sina Elma at Ricky, nagsikap sila para makapagtapos ng pag-aaral ang mga anak para hindi sila matulad sa kanila na high school ang natapos dahil kinailangan nang magtrabaho.

 


Dahil empleyado sina Elma at Ricky sa unibersidad, nakatanggap ng libreng tuition, scholarship at allowance ang mga anak nila. Nakakatanggap din sila ng donasyon mula sa mga tinulungan nila bilang janitor.

 

Ngayong nagtatrabaho na sina Rica at Riel, plano ng pamilya na mag-aral din sa Ateneo ang kanilang bunsong kambal na lalaki na kasalukuyang nag-aaral ng grade 9.


Latest articles

More like this