HomeTrendingMag-ermat hawak kamay na nasunog

Mag-ermat hawak kamay na nasunog

Published on

spot_img



Magkahawak pa ang kamay nang matagpuan ang tustadong bangkay ng isang ina at 4-anyos nitong anak matapos masunog ang kanilang bahay kahapon sa Bacolod City.

Kinilala ng Bacolod City Bureau of Fire Protection (BFP) ang mag-ina na sina Mengel, 35, at Jhanela Itchon, 4, kapwa taga-Purok Bayanihan, 6th Road, Brgy. Taculing.

Sugatan naman ang isa pa na si Arthuro Aplacador, 87, nagtamo ng sunog sa balikat.

Sa ulat, sumiklab ang sunog sa nasabing lugar alas-8:40 ng umaga nitong Lunes.

Dahil gawa sa kahoy, madaling natupok ang kanilang tirahan at mabilis na kumalat ang apoy sa pito pang bahay.

Mabilis namang nakaresponde ang mga bumbero at idineklara itong fire out alas-9:13 ng umaga.


Nang pasukin ang bahay ng mag-ina, doon na natagpuan ang sunog nilang bangkay na magkahawak-kamay.

Napag-alaman na paralisado ang matandang Itchon matapos ma-stroke, at ayon sa awtoridad, posibleng hindi na rin ito iniwan ng kanyang anak sa nasusunog nilang bahay. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)


Latest articles

More like this