HomeTrendingMasdan ang masayang buhay may pamilya ng dating aktres na si Roxanne...

Masdan ang masayang buhay may pamilya ng dating aktres na si Roxanne Guinoo.

Published on

spot_img



Sino nga ba ang makakalimot sa miyembro ng Star Circle Quest Batch 1 na si Roxanne Guinoo. Isa sa mga kinagiliwang teen star noon kasama ang kanyang mga kasabayan sa patimpalak na sina Hero Angeles, Sandara Park at ang kanyang ka-love team na si Joross Gamboa.

Matapos ang ilang taon ay nilisan na nito ang mundo ng showbiz at nag-focus na sa kanyang buhay may pamilya.



Tubong Rosario Cavite, ang 36-anyos na si Roxanne Bosch Guinoo-Yap. 18 taong gulang pa lang ito nang sumubok na maging artista at nakamit ang ikalawang gantimpala sa nasabing kompetisyon noong 2004.

Ilang taon rin itong naging Kapamilya ngunit kalaunan ay lumipat ito sa Kapuso Network taong 2012.

Pansamantala itong nanahimik sa industriya at muling nagbalik sa Talent 5 Artist upang lumabas sa ilang programa tulad ng Valiente at isang episode sa Real Confessions.


Roxanne Guinoo | IG

Roxanne Guinoo | IG


Muli itong bumalik sa ABS CBN taong 2015 para gampanan ang isang karakter sa teleserye na “The General’s Daughter.” Tampok din si Roxanne sa iba’t ibang pelikula at ilang mga TV commercials.

Nakatambal niya rin muli ang kanyang dating ka love-team at karelasyon na si Joross Gamboa sa isang proyekto.

Noong 2007, nakumpirma na nakikipag-date siya sa dating co-star na si Jake Cuenca. Kung saan una silang nagkatambal sa Sineserye Presents: Natutulog Ba ang Diyos? Si Roxanne Guinoo ay nagsimulang makipag-date kay Elton Yap noong 2009 at ikinasal ang dalawa noong January 23 2011.

Roxanne Guinoo | IG


Hands-on sa tatlong anak na sina Sophia, Reine, at Reilly si Roxanne at sa kabila nga ng pagiging may bahay nito ay nananatili pa rin ang ganda at kaseksihan ng dating artista.

Marami man siyang naging karakter sa pag-aartista ang pagiging ina ang kanyang pinaka importante ginagampanan sa buhay. Kitang kita dito ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya.

Sinisigurado rin nito ng magkaroon sila ng masayang bonding tulad ng pagta-travel at ibinibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga ito.


Roxanne Guinoo | IG


Latest articles

More like this