HomeTrendingMatandang Bulag, matiyagang naglalako ng walis tambo upang makaipon at mapaayos ang...

Matandang Bulag, matiyagang naglalako ng walis tambo upang makaipon at mapaayos ang nasirang barung-barong.

Published on

spot_img


Sa istoryang ibinahagi ng Virgelyncares, isang matandang bulag na nagtitinda ng walis tambo ang kaniyang ipinakilala at tinulungan.

Si Tatay Jimmy na mula Tiwi, Albay ay araw-araw na matiyagang nilalakad ang kalsada upang mailako ang kaniyang panindang walis tambo. Sa sobrang sipag ay hindi nito alintana ang matinding sikat ng araw habang bitbit-bitbit ang mabigat na paninda.


 

 

Sa halagang 120-110 pesos, 10 porsyento dito o 12 pesos kada isang pirasong walis na mabebenta ng natatanggap ng bulag na matanda.
Bagamat maliit lang ang kita nito, hindi pa rin siya tumitigil sa paglalako para sa kaniyang pangarap na makapagpatayo ng barung-barong dahil mula ng masira ng bagyo ang kaniyang tahanan ay nakikitira na lamang siya sa kaniyang kamag-anak.


Virgelyncares 2.0 Official

 

Virgelyncares 2.0 Official


 

Lubhang napaka delikado ng sitwasyon ni Tatay Jimmy lalo na’t maaaring may mga rumaragasang sasakyan sa kaniyang mga nilalakaran.
Dumating na rin ang pagkakataon, kung saan tinulungan siyang makapagpahinga pansamatala ng mga taong nakakita sa kaniya. Pagod na pagod si Tatay Jimmy noong araw na iyon habang tumatagaktak ang kaniyang pawis.
Sa maghapong pagsama ni Virgelyncares sa kawawang matanda, masuwerteng itong nakatagpo ng papakyaw sa kaniyang paninda.


Virgelyncares 2.0 Official

 

Virgelyncares 2.0 Official


Dahil dito ay maaga silang nakauwi at maagang naiabot ni Tatay Jimmy ang kinitang 2,100 libong piso sa pinagkukuhaan niya ng paninda. Sa kitang ito ay magkakaroon ng siya ng halagang 210 pesos.
Virgelyncares 2.0 Official


 

Virgelyncares 2.0 Official

 

Virgelyncares 2.0 Official


 

Lubos na nahabag at humanga si Virgelyn sa kasipagan at determinasyon ni Tatay Jimmy sa kabila ng kaniyang kapansanan. Kaya binigyan niya ito ng perang tulong upang matupad ang simpleng pangarap ng masipag na bulag.
Bukod pa dito ay binigyan din siya ng munting tindahang pangkabuhayan para naman ay hindi na ito maglako ng walis tambo at maiwasan ang anumang kapahamakan na maaaring mangyari habang siya’y naglalakad sa kalsada ng walang nakikita.


Virgelyncares 2.0 Official

 

Virgelyncares 2.0 Official


Latest articles

More like this