HomeTrendingMatandang Lalaki, Mag-isang Naninirahan sa Tambakan ng Basura sa Cavite!

Matandang Lalaki, Mag-isang Naninirahan sa Tambakan ng Basura sa Cavite!

Published on

spot_img



Marami sa ating mga kababayan ang walang-wala sa buhay. Tipong walang trabaho, walang pang-kain at walang tahanan na masisilungan. Kaya naman, ang iba sa kanila ay nagtitïis na manirahan sa mga lugar na delïkado para sa kanilang kalusugan. Isang matandang lalaki ang mag-isa sa buhay. Wala siyang maayos na masisilungan kaya sa isang tambakan ng basurahan na lamang siyang naninirahan.


Kung pagmamasdan ay tila isang tambakan lamang ito ng basura ngunit may nakatira pala rito. Ito ay matatagpuan sa eskenita ng Barangay Biluso, Silang, Cavite.

Natagpuan ni Atty. Kevin Anarna ang matandang lalaki na naninirahan sa tambakan ng basura. Masikip, maliit at mabaho ang tinitirhan ng lalaki na ito at talagang delikådo para sa kanyang kalusugan na manirahan pa rito.


Mahiyain umano si Tatay Baldo nang kausapin siya ni Atty. Anarna. Napag-alaman na mula pa sa San Pablo, Laguna si tatay Baldo.

Dahil sa sobrang awå na naramdamdaman ni Atty. Anarna kay Tatay Baldo ay nais niya itong tulungan. Kinalaunan ay nabigyan ni Atty. Anarna ng sariling tahanan ang matanda. Bukas umano ang palad ni Atty. Anarna sa mga katulad ni tatay Baldo na nangangailangan ng tulong.


Latest articles

More like this