HomeTrendingMga anak ni Vhong Navarro, emosyonal nang muling mayakap ang kanilang ama

Mga anak ni Vhong Navarro, emosyonal nang muling mayakap ang kanilang ama

Published on

spot_img


Naging emosyonal ang eksena sa pagitan ng “It’s Showtime” host na si Vhong Navarro at ng kanyang dalawang anak matapos siyang umuwi sa kanilang bahay kahapon December 6, ayon kay Ogie Diaz.

Sa latest vlog ni Ogie, ibinahagi niya na halos ayaw nang humiwalay ng mga anak ni Vhong na sina Ice at Bruno mula sa pagkakayakap kay Vhong nang makauwi ito sa kanilang tahanan matapos itong temporaryong makalaya at makalabas sa kulungan.




Bumuhos din umano ang luha dahil sa labis na kasiyahan at pangungulila ng mag-aama.

Kwento ni Ogie, “Pagdating ni Vhong sa kanilang bahay ay nagtatatalon ang mga bata sa tuwa. Napakahigpit na yakap na halos ayaw nang pakawalan si Vhong ng kaniyang mga anak. Nag-iyakan din ang mga ito dala ng pagkamiss nila sa kanilang Daddy Vhong.”

Kung susumahin, halos tatlong buwan ding nawalay si Vhong sa kanyang mga anak na pawang mga lalaki nang sumuko siya noong September 19 sa National Bureau of Investigation (NBI).

Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit ganun na lamang ang reaksyon ni Vhong at ng kanyang mga anak nang muli silang magkita.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na pansamantalang nakalaya si Vhong matapos siyang makapaglagak ng P1 milyong piyansa para sa kasong R@p3 na inihain ni Deniece Cornejo laban sa kanya.

Samantala, matapos makalaya ay magpapahinga muna si Vhong at susulitin ang panahon na muli niyang makapiling ang kanyang pamilya.

Nakatakdang magbabalik si Vhong sa “It’s Showtime” pagkatapos niyang magpahinga mula sa kanyang pinagdaanang pagsubok.



Latest articles

More like this