HomeTrendingMga gulay pansahog sa pansit dagdag-presyo rin

Mga gulay pansahog sa pansit dagdag-presyo rin

Published on

spot_img



Kasabay ng taas-presyo ng ilang pangunahing bilihin ngayong Kapaskuhan, sisirit din ang halaga ng gulay na ginagamit pansahog, ayon sa Department of Agriculture (DA).

“Mayroon kaming impormasyon ‘no, na iyong atin pong mga gulay, galing doon sa northern area na nagtaasan din, lalong-lalo na sa panahog natin sa pansit,” sabi ni DA Deputy Spokesman Rex Estoperez sa Laging Handa briefing.


Hindi na umano dapat na magulat ang publiko dahil normal na itong sitwasyon tuwing Pasko.

“So we’re expecting na sana naman na ang atin pong mga gulay na ‘yan na kailangan natin sa Pasko ay ang presyo din dapat reasonable din. Pero sabi nga namin, alam mo kapag Pasko normal na iyong slightly increase in the prices of commodities,” dagdag ni Estoperez.


Kabilang sa mga gulay na karaniwang ginagamit na pansahog sa pansit ay carrots, beans, repolyo, sayote, bell pepper at iba pa.

Sinabi ng opisyal na umaasa ang DA na magiging rasonable ang presyo ng mga gulay upang hindi makadagdag sa pansanin ng mga mamimili. (Aileen taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)


Latest articles

More like this