HomeTrendingMisis, nakatanggap ng 50K pesos mula kay Mister matapos kumasa at magtagumpay...

Misis, nakatanggap ng 50K pesos mula kay Mister matapos kumasa at magtagumpay sa hamon ng pagpapapayat.

Published on

spot_img



Isang mommy netizen ang nag -viral sa Facebook dahil sa isang kakaibang challenge na may kaukulang papremyong kwarta ang naging hamon sa kaniya ng kanyang mister.

Napanalunan lang naman nito ang tumataginting na 50K libong piso matapos na makamit ang timbang na 55 kilo mula sa kaniyang timbang noon na 72 kilograms.

 

Pagpapapayat o pagdyi-dyeta ang naging hamon ng mister ni Cris Cringol na si Liandree Brian Go sa kaniya.
Ayon sa Facebook post ni Cris,
May 2021: 72 kilograms

October 2021: 55 kilograms


“Ayaw jud ko i-challenge2 dad kay maghilak jud ka lol. Salamat ani daddy Liandree Brian Go. May pan shopping na for cally and lian. Lab u po!”
Huwag daw aniya siyang hamunin kundi ay magiging luhaan lamang ang kanyang mister.
Cris Cringol | Facebook
Cris Cringol | Facebook


Tamang tama naman ang nakamit na salapi ng pursigidong ina upang maipamili ng pamasko ang kanilang mga chikiting.
Kasalukuyang nagba-viral ang post na ito ni Cris dahil sa dami ng naaliw, natuwa at napahanga sa kaniyang determinsayon hindi lang para makuha ang malaking halaga ng pera kundi na rin sa pagaalaga ng kaniyang katawan at kalusugan.
Maging ang pagiging galante ng kaniyang mister ay kinatuwaan din ng marami.
Cris Cringol | Facebook
Cris Cringol | Facebook


Sa katunayan, maging ang sikat na aktres na si Jodi Sta. Maria ay hindi napigilang ibahagi ang viral at patok na challenge na ginawa ng mag asawa sa Facebook page nito.
Kaya naman hindi magkamayaw ang mga netizens sa kaka- “SANA ALL” na nag nanais ring magpapayat at manalo ng papremyong nagkakahalaga ng tumataginting na P50k libong piso!
Ikaw! Kakasa ka ba?
Cris Cringol | Facebook
Cris Cringol | Facebook

Latest articles

More like this