HomeTrending"Nahihilo na ako. Bumili ka para may makain ako," pang-aalok ng matandang...

“Nahihilo na ako. Bumili ka para may makain ako,” pang-aalok ng matandang patuloy parin sa paghahanapbuhay

Published on

spot_img



Kilala sila bilang tumatayong haligi ng tahanan, ang bumubuhay at nagtataguyod ng buong pamilya. Sila kahit pagod na ay bawal tumigil at sumuko, patuloy na lumalaban kahit nahihirapan.

Patunay dito ang isang matanda na magpahanggang ngayon ay kumakayod parin sa paghahanapbuhay hindi na para sa kanyang pamilya kundi sa kanyang sarili nalang.


Sa ibinahaging post ng isang concern citizen na si Ronald Ancero Casil, nakita niya ang matandang si Lolo Tony Pano, mag-isa nalang sa buhay, at nagtitinda ng mga lamang dagat para pantustos sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan.


 

 

Sa kanyang kuhang video, halatang nanginginig ang matanda habang inaalok siyang bumili ng kanyang nakabaldeng mga halaan upang may maipambili siya ng kanyang pagkain at pamasahe niya pauwi sa kanila.


Nang tanungin ni Ronald ang matanda tungkol sa kanyang asawa at mga anak, matagal narin pa lang wala na ang kanyang asawa at ang kanyang mga anak naman ay nag sipag-asawa kaya siya nalang ang naiwan mag-isa.

Hindi alintana ni Lolo Tony ang banta ng lumalaganap na sakit ngayon, lalo pa sa kalagayan niyang may edad na at mahina na ngunit wala marahil itong ibang paraan upang buhayin ang sarili.


 

Kumikita lamang siya ng limang piso kada isang takal na maibenta niya, pinagkakasya ang maliit ng kita para sa kanyang pangkain at pamasahe pauwi sa kanila.

 

Inabutan din ni Ronald ng kahit  kaunting tulong ang matanda dahil sa nahihilo na umano ito sa gutom.

Narito ang kanyang buong post: 

NAHIHILO NA AKO, BUMILI KA PARA MAY MAKAIN AKO, HINDI PA AKO KUMAKAIN. 💔😔😟


Habang may nilakad ako nakita ko si Tatay na nagbebenta at naka-upo mismo sa harap ng simbahan. Nilapitan ko siya ka-agad dahil wala nang bumibili sa binibenta niya. 

 



Dinadaanan lang din siya noong ibang nakakita sa kanya at tinanong ko siya kung ano binibenta niya at kung taga saan siya at ito ang kanyang mga sagot. 

Gutom na gutom na raw siya dahil hindi pa siya kumain, kulang pa daw pamasahe niya pauwi sa pinanggalingan niya. 

Ito na raw yung pinagkakakitaan niya kahit limang leso lang ang kanyang kinikita kahit sa isang timba. Para lang daw may matustos at magamit para sa pang araw-araw ni Tatay. 

Siya raw ay taga Panas, Candijay, Bohol. Dadag ko rin sa kanya, kung makita ko siya ulit bibigyan ko pa rin siya ng kunting tulong kahit papano.


 

Sa mga gustong tumulong at mag supporta sa mga lakad ko para sa kapwa. Nandito po yung Banknet account ko. 

Cebuana Bank

Account Number: 001082016039

Casil, Ronald Ancero

Maraming salamat sa inyong mga supporta, mabuhay po kayong lahat! Sana matulongan ulit natin si Tatay at mabigyan din natin ng mga Blessings kagaya ng iba nating pinuntahan. 

***

Source:  Ronald Ancero Casil,


Latest articles

More like this