HomeTrendingNetizen, naawa at humanga sa isang taxi driver na naka-oxygen habang nagmamaneho

Netizen, naawa at humanga sa isang taxi driver na naka-oxygen habang nagmamaneho

Published on

spot_img



Naawa ngunit hinangaan ng isang netizen ang taxi driver na kanyang nasakyan dahil sa kabila ng pinagdadaanan nito ay pilit pa ring lumalaban sa buhay kahit hirap na hirap na.

Photo credit: Nongying Chuaibamrung | Facebook


Sa bansang Thailand, ibinahagi ng netizen na si Nongying Chuaibamrung ang kwento ng isang taxi driver na naka-oxygen habang nagmamaneho.

Sa Facebook post ni Nongying, pagsakay niya ng taxi pauwi sa kanilang bahay ay napansin niyang may kausap ang driver sa cellphone habang nagmamaheno. Napakabagal rin daw ng andar ng taxi na halos 40 km/ph lamang. 

 

Kahit medyo naiinis si Nongying ay hinayaan na lamang niya ang driver at piniling kumalma. Maya-maya ay ibinababa na nito ang telepono at bigla siyang kinausap.


Photo credit: Nongying Chuaibamrung | Facebook

Photo credit: Nongying Chuaibamrung | Facebook


Ayon kay Nongying, nakiusap raw ang driver sa kanya na i-check ang tangke ng oxygen sa likod ng kanyang upuan kung mayroong bubbles.

Dito na na-curious ang netizen at sinimulang makipag-kwentuhan sa taxi driver.
Kinilala ang taxi driver na si Sumeth Singpun, 49-anyos. 

Si Sumeth ay nagtitiis sa iba’t ibang karamdaman kabilang na ang sakit sa kidney kaya kailangan nito ng dialysis. Malabo rin daw ang kanyang mga mata kung kaya’t mabagal ang kanyang pagmamaneho.


Photo credit: Nongying Chuaibamrung | Facebook

Photo credit: Nongying Chuaibamrung | Facebook


Sa kabila ng lahat, hindi ito nagrereklamo, bagkus ay patuloy siyang naghahanap-buhay upang may makain.

Napahanga si Nongying sa determinasyon ng taxi driver kaya ibinahagi niya ito sa Facebook upang sa gayon ay may mga taong makapagpaabot ng tulong sa taxi driver.

Kwento ni Nongying, mag-isa lamang sa buhay si Sumeth. Ang kanyang kinikita sa pagmamaneho ay sapat lamang upang may ipambili siya ng pagkain at pambayad sa inuupahang kwarto.


Photo credit: Nongying Chuaibamrung | Facebook

Photo credit: Nongying Chuaibamrung | Facebook


Sa bansang Thailand ay mayroong allowance na 800 Thai Baht (P1,250) ang mga PWD kada buwan. Ito ay tulong sa kanila upang ipambili ng gamot at iba pang pangangailangan.

“He lives in Ayutthaya by himself. He has to pay the rent. No work, no money. Money for disabled people is also not enough for treatment. So need to hire a taxi to drive,”  sabi ni Nongying.

Mayroon raw isang anak si Sumeth ngunit matagal na itong hindi bumibisita sa kanya. Malamang ay hindi rin daw nito alam ang karamdaman ng kanyang ama dahil tila pinabayaan na siya nito.


Photo credit: Nongying Chuaibamrung | Facebook

Nagbigay rin ng konting tulong si Nongying kay Sumeth upang kahit papaano ay makatulong siya sa gastusin nito.


“He has one son. He never came to take care of him. He cried out. I could only talk to comfort him. When we arrived home, I got out of the car and paid the car fare, and helped him with a small amount of money because I only had that with me. I also told him that I want to take his story on Facebook. He also gave me his ID card to take a photo. But it was so dark, but I took it anyway. Besides the photo, it’s not clear. I only got the phone number.”

Mabilis na nag-viral sa Thailand ang post ni Nongying. Sa ngayon ay umabot na ito sa 48k reactions at 73k shares.


***
Source: Good Times

Latest articles

More like this