HomeTrendingPalaboy-laboy na dating sikat na starlet, nakabalik na sa pamilya; Ano na...

Palaboy-laboy na dating sikat na starlet, nakabalik na sa pamilya; Ano na ba ang lagay niya?

Published on

spot_img



Nag-trending sa social media ang paglayas umano ng dating s3xy star na si Brandy Ayala sa kanilang tahanan noong kasagsagan ng pagpasok ng pand3mya sa bansa.

Photo credit to the owner

Kahit na ipinatutupad na Enhanced Community Quar*ntine (ECQ) noon ay nawala o nakalayas parin ang nasabing dating aktres.

Una nang napabalita noon na may diperensya sa pag-iisip dahil sa matinding paggamit ng ipinagbabawal na gamot noong kasikatan o kabataan niya.  
Brandy Ayala / Photo credit to the owner
Brandy Ayala / Photo credit to the owner

Ayon sa salaysay ng pamangikin ni Brandy na si Ralph Estrada, kahit na lumalaboy-laboy ang kaniyang tiyahin sa lansangan at nanghihingi ng pagkain at pera sa mga tao, umuuwi pa rin naman daw ito sa kanilang bahay sa Tondo, Manila.

Subalit noong March 15, 2020, hindi na ito umuwi at wala silang ideya kung saan napunta at kung ano na ang nangyari sa kanyang tiyahin.

Brandy Ayala / Photo credit to the owner


Brandy Ayala / Photo credit to the owner

Humingi ng tulong si Ralph sa Philippine Entertainment Portal o PEP upang mabuksan ang isyu hinggil sa pagkawala ni Brandy.

Noong Agosto 21, 2020, may nakapagsabi umano kay Ralph na namataan si Brandy sa bandang Mandaluyong City. Nagbakasali silang mahanap ito kaya nag-ikot ikot at ginalugad nila ang lugar kung saan ito nakita ngunit nabigo sila.
Samantala, noong Setyembre 21, 2020, ay mismong si Ralph ang nagsabi na wala na raw si Brandy. Batay raw ito sa impormasyon na sinabi sa kanya ng mga empleyado ng Mental H0spital.
Brandy Ayala / Photo credit to the owner
Brandy Ayala / Photo credit to the owner

Nang tanungin ng PEP kung ano ang pangalan ng funeral parlor na kung saan dinala ang bangk*y ng tiyahin, iba-iba umano ang sinasabing pangalan ni Ralph. Nanghingi na lamang sila ng litrato ng bangkay nito bilang ebidensya, ngunit hindi na sumagot si Ralph.

Matapos ang halos isang taon, nito lamang nakaraang Marso 31, 2021, ay sinabi ni Ralph na nakabalik na sa kanila ang tiyahin sa tulong ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.


Brandy Ayala / Photo credit to the owner
Brandy Ayala / Photo credit to the owner

Humingi rin siya ng paumanhin sa PEP dahil sa pagsisinungaling nito. Aniya, nanatili pala talaga sa isang Mental Hospital sa Mandaluyong ang kaniyang tiyahin at kalaunan ay kinuha na lamang ng DSWD at ibinalik sa kanilang pangangalaga.

Ayon pa sa PEP, walang trabaho si Ralph sa kasalukuyan at malaki ang epekto sa kanila ng pand3mya kaya nananawagan siya ng tulong-pinansyal para sa kaniyang tiyahin. Nag-aalala kasi siya na baka umalis na naman ng bahay si Brandy at mawala na naman.
Dekada ’80 nang sumikat si Brandy. Kabilang ito sa grupo na ‘Street Beauties’ kasama sina Aurora Boulevard at Epifania Delos Santos. Hango ang kanilang screen names sa mga sikat na kalye sa Metro Manila.

Brandy Ayala / Photo credit to the owner


Photo credit to the owner

Tinawag din siyang ‘Alcohol Beauty’. Kasabayan nila ang  ‘Softdrinks Beauties’ na sina Coca Nicolas,  Pepsi Paloma at Sarsi Emmanuelle.

Bigla na lamang siyang nawala sa showbiz limelight dahil sa pinagdaanang d3pr*syon, na kalaunan ay naging malala. Nagsimula na itong mawala sa sarili at nagpalaboy-laboy sa mga lansangan. Noong 1997, lalong lumala ang kalagayan ni Brandy dahil sa sakit na ‘schiz0phrenia’ na naging dahilan upang ipagpatuloy niya ang paggala sa mga kalsada.
***

Source:


Latest articles

More like this