HomeTrendingPanoorin: Biniling fried chicken, nakakadiri sa dami ng uod

Panoorin: Biniling fried chicken, nakakadiri sa dami ng uod

Published on

spot_img



Kahit sino ay mandidiri sa tuwing makakakita ng uod sa sa pagkain. Senyales kasi na ito ay marumi at bulok na.

Screencap from Ica Corvera Tuazon video


Ito ang nangyayari sa mga pagkaing matagal nang naluto ngunit hindi pa rin nakakain. Ganito ang madalas gawin ng mga nagtitinda ng lutong pagkain sa tuwing hindi mauubos ang kanilang paninda.

Hindi naman lingid sa karamihan na may mga tindahang ibinebenta pa rin ang pagkain kahit na ito ay hindi bagong luto. Madalas itong mangyari sa mga karenderia at sa mga nagtitinda ng pritong ulam sa kalye o bangketa. Konting init lang, ayos na!
Samantala, isang netizen ang diring diri sa biniling pritong manok sa isang vendor matapos makitaan ng napakaraming uod.
Sa Facebook post ni Ica Corvera Tuazon, ibinahagi nito ang video kung saan makikita ang malalaking uod sa pritong manok na kanilang binili.

Screencap from Ica Corvera Tuazon video


Screencap from Ica Corvera Tuazon video

Aniya, kahit na-prito na ito ay namatay sa mantika, hindi pa rin ito ligtas na kainin.

“Mag iingat po kayo sa mga manok na prito na binibili nyo sa tabi tabi! Kahit na sabihing patay na yung uod sa mantika eh uod parin yan jusko nakaka suka yung mga ganitong trabaho iniinit ng ilang araw na po ba ito?? 


Screencap from Ica Corvera Tuazon video

Screencap from Ica Corvera Tuazon video


Apat na piraso yung binili. Yung dalawa sinimsim pa nung kapatid ko. buti napansin nung buntis na kakain bago mahuli ang lahat.”

Payo ni Ica, “Wag po tayo mag tipid kung kalusugan naman ang kapalit!”
Sa ngayon ay umabot na sa 12k shares ang post ni Ica.

Mabilis na nag-viral ang post ni Ica at nagkaroon ng samu’t saring komento at opinion ang mga netizens.




Screencap from Ica Corvera Tuazon video

Screencap from Ica Corvera Tuazon video


Ayon sa kanila, dapat raw ay ipinost at sinabi ni Ica kung saan niya nabili ang manok upang sa gayon ay makaiwas sila sa pagbili.

Hindi na raw sinama ni Ica ang pangalan at lugar kung saan niya nabili ang manok dahil naaawa siya sa matandang tindero at anak nitong babae.


“hindi ko na po sinama sa post kung san nabili dahil ang tindero po ay matandang lalaki at anak na babae baka po mapagtripan, batuhin, sigawan or ipahiya sya don kaya pupunta nalang po ako ng barangay nila or municipal para sila nalang po ang magpaliwanag ke tatay!.”

Panoorin ang video sa ibaba:


***

Latest articles

More like this