HomeTrendingPanoorin! Isang Dambuhalang 'Blue Marlin' na aabot sa 270 kilos, NALAMBAT SA...

Panoorin! Isang Dambuhalang ‘Blue Marlin’ na aabot sa 270 kilos, NALAMBAT SA PALAWAN!

Published on

spot_img


Isang dambuhalang Blue Marlin ang nalambat ng mga mangingisda sa Balabac, Palawan.
Ayon sa mga mangingisda, ito umano ang unang pagkakataon na nakahuli sila ng Blue Marlin na ganito kalaki.

Inabot ng dalawang oras ang ilang mangingisda bago nila naisampa sa bangka ang kanilang big catch.


Ang higanteng biyaya mula sa dagat—isang Blue Marlin—ay tumitimbang ng 270 kilos.

Nahuli ito sa karagatan ng Balabac, Palawan nitong February 22, 2023.


Aminado ang mangingisdang si Pao-Paw Ruta na nahirapan sila sa pamimingwit dahil kawil lamang ang gamit nila.

“Thank you Lord,” simpleng caption ni Pao-Paw sa larawang ibinahagi niya sa Facebook.


Makikitang mas malaki pa sa kanya ang kanilang huli.Samantala, sinabi ni Pao-Paw sa ilang interviews na ang Blue Marlin ay nagkakahalaga ng PHP280-PHP300 kada kilo.


At ayon sa ilang regional reports na na-interview si Pao-Paw, ang ganitong higanteng isda ay nagkakahalaga ng PHP81,000.

Sa ulat naman ng 10.3.1 Brigada News–Palawan, sinabi ni Pao-Paw na nakahanap sila ng buyer ng isda.

Itinuturing din ni Pao-Paw na pambirang pagkakataon ang nangyari dahil hindi basta-basta makakahuli ng ganoon kalaking isda.


Umabot naman sa pitong Blue Marlins ang nahuli ni Pao-Paw at ng mga kasamahan sa loob ng tatlong araw nila sa karagatan.

May kabuuang 600 kilos ang lahat ng kanilang huli at nakahanap naman sila ng buyer sa mga ito.


Latest articles

More like this