HomeTrendingPANOORIN: Malaking Sawa, nakita at pumasok sa inidoro ng CR, sa loob...

PANOORIN: Malaking Sawa, nakita at pumasok sa inidoro ng CR, sa loob ng isang bahay sa Roxas City

Published on

spot_img


Ibinahagi ng netizen na si “Lester Vega” ang kuha niyang video ng isang sawang pumasok sa loob ng kanilang banyo, sa kanilang bahay sa Roxas City, lumusot lusot umano sa butas ng kanilang inidoro o toilet bowl.

Nagulat na lamang sila nang bumulaga ang isang malaking sawa sa loob ng palikuran ng kanilang bahay.

Nagising sila alas-2 ng umaga dahil sa tahol ng kanilang aso sa harap ng comfort room. Nang silipin ng ina ang banyo ay nakita nito ang isang sawa na nakasampa sa inodoro.



Agad daw nilang sinara ang pinto upang hindi ito makapasok pa sa sala at tuluyang makapaminsala sa iba.

Sa muling pagsilip nila, nakita nilang pumapasok na ito sa loob ng toilet bowl, na malamang ay nanggaling sa poso negro.

Maya-maya, nakita na nila itong nasa bintana na ng kanilang ng banyo.

Kaagad na silang humingi ng tulong sa mga otoridad at agad agad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) upang mahuli at makuha ang sawa.
Nagbigay naman ng babala si Lester sa publiko na bago umupo sa trono o gagamit ng palikuran, i-check muna ang inidoro o ang loob ng palikuran.


Latest articles

More like this