HomeTrendingPara sa pamilya: Security guard bawang at sibuyas ang inuulam para makapagpadala...

Para sa pamilya: Security guard bawang at sibuyas ang inuulam para makapagpadala ng malaking halaga ng pera

Published on

spot_img



Dahil sa hirap ng buhay, marami sa atin ang kailangang magtiis at magsakripisyo para lamang makaraos sa araw-araw.

Photo credit: Kicker Daily News / Apit Lid
Maraming manggagawa ang todo kayod at hindi na iniisip ang sarili basta mayroon lamang maibigay na pera para sa kanilang pamilya.
Isa na rito ang security guard mula sa bansang Malaysia na pumukaw sa damdamin ng mga netizens.

 

Nakunan ng litrato ang security guard habang kumakain ito hawak ang kanyang baunan. Makikita ang laman sa kanyang baunan ang kanin na may sabaw, bawang at sibuyas.

Photo credit: Apit Lid


Photo credit: Apit Lid
Ayon sa nagpost ng larawan na si Apit Lid, maayos naman raw ang suweldo ng security guard ngunit talagang nagtitipid lamang siya upang mas malaki ang maipadala niya sa kanyang pamilya.
Dagdag pa niya, hindi raw lalagpas sa 100 Malaysian ringgit o P1,170 pesos ang nagagastos nito sa loob ng isang buwan.
Ang matitira sa kanyang sahod ay ipapadala niya sa kanyang pamilya.

 

Kwento ni Apit, tuwing magkakaroon siya ng extra money ay binibilhan rin niya ng pagkain ang security guard.

Hopefully everything will be alright for him,” sabi ni Apit.


Ipinost naman ng Pinoy Facebook page na ‘Viral News Today’ ang larawan ng security guard na agad namang nag-viral.

Umani naman ito ng simpatya mula sa mga pinoy netizens.

***

Latest articles

More like this