HomeTrendingPromodiser, Huli matapos magtangkang mag-Puslit ng Tsokolate

Promodiser, Huli matapos magtangkang mag-Puslit ng Tsokolate

Published on

spot_img


Huli ang isang promodiser matapos na tangkaing  ipuslit ang dalawang tsokolate na naka-tape sa kanyang  binti sa isang department store sa Cebu City.

Nahaharap sa kasong theft ang naturang diser na may edad na 30 na nakatira sa Brgy. Buhisan, Cebu City.

Ayon sa ulat, kinapkapan ang suspek ng security guard ng supermarket nang matapos ang shift niya Lunes ng gabi.



Nagulat ang sekyu nang may makapa sa dalawang binti ng empleyado kaya agad niyang pinataas ang pantalon nito.

Doon nadiskubre ang dalawang piraso ng Cadbury’s chocolate na ibinigkis ng kawatan gamit ang tape.

Nanikluhod ang suspek sa management ng supermarket pero idiniretso pa rin ito sa presinto at inireklamo.


Latest articles

More like this