HomeTrendingPulis, pinagbigyan ang pakiusap ng isang bata, na mayakap at maka-usap ang...

Pulis, pinagbigyan ang pakiusap ng isang bata, na mayakap at maka-usap ang kaniyang ama na nasa piitan

Published on

spot_img


Kinaantigan ng nga netizen ang ginawang kabutihan ng isang pulis sa batang may munting kahilingan.

Ibinahagi ng uploader na si Flavio Ang Panday ang mga larawan ng isang bata at ama nito na magkayakap sa isang piitan.


 Pinagbigyan ng pulis ang hiling ng bata na mayakap ang kaniyang ama na nakakul0ng, kahit sandali lang. Ibinahagi rin nito ang pag-uusap nila ng bata na nangulila na kaniyang ama.



“Sir mamang Pulis… Pwede kopo bang mayakap ang aking papa??? Mis na mis ko napo kasi siya pwede niyo ba siyang palayain na?????” Banggit umano ng chikiting.

Hiniling din ng bata na kung maaari ay makalaya na ang kaniyang ama, ngunit ipinaliwanag naman ng pulis na hindi pa puwede at tanging may kinauukulan lamang anh makakapagdesisyon nito.


“naku ading hindi kasi pwede eh, husgado kasi ang magpapasya pero sige halika para hindi namamagitan ang rehas sa pag yakap sa iyong papa buksan ko nalang saglit at yakapin mo siya para tugon sa iyong mumunting hiling…”


Naintindihan naman ng bata ang paliwanag ng pulis, lubos pa rin itong natuwa nang mapagbigayan ang kaniyang kahilingan na mayakap ang kanyang tatay.


Malaki naman ang pasasalamat ng bata sa mabuting pulis na ito, bitbit niya ang malaking ngiti sa kanyang mga labi kasama ng kaniyang ina.


Sa huli, ay nais maiparating ng maunawaing pulis na hindi man maganda ang naging imahe ng iilan sa kanilang mga kabaro, ay mas marami pa rin ang pinipiling magkaroon ng mabuting puso at pantay na pagtingin sa bawat mamamayan.



Ayon sa kanyang panghuling salaysay,

“Matapang naman talaga ang tagapag patupad ng batas ngunit may puso rin at May pakiramdam kami… Kahit anu pa ang nagawa ng taong lumabag sa batas sadya talagang may puso kami at sila na bilanggo ay may karapatan parin kahit bilango at tanging panginoon lang ang magpapasya balang araw pag dumating na ang takdang araw.”


Kaya naman magpasangayon ay napakaraming netizens ang nagpapakita ng kanilang paghanga at pagsaludo sa kabutihang loob ni “Flavio Ang Panday”


Latest articles

More like this