HomeTrendingPustisong inorder online, umani ng kilig at katatawanan dahil sa hatid nitong...

Pustisong inorder online, umani ng kilig at katatawanan dahil sa hatid nitong mahiwagang smile.

Published on

spot_img



Hindi napigilan ang magkahalong tuwa at pagkadismaya ng isang netizen nang matanggap nito ang pustiso na binili online.

Ayon sa nagpost sa Facebook ng mga litrato na si Weng Barbadillo Formentera, ang pustiso ay nabili sa online application na Shopee. “Salamat shoppe NaAbot ndaw iyang gi order na pustiso haha”


Halatang halata na hindi ito akma sa kaniyang bunganga matapos niya itong isukat at magposing ng kaniyang mahiwagang smile.

Gayunpaman ay marami pa ring mga netizens ang natuwa dahil sa hatid nitong katatawanan dahil na rin sa bahagyang kalakihan at pagiging tabingi nito.

Narito ang ilang sa kanilang mga komento:

“Mawalang galang na po dapat po sa dentist ang pustiso Di po inoorder baka ho used na yan” – Bebot Cipres


Weng Barbadillo Formentera | Facebook

Weng Barbadillo Formentera | Facebook


“Hightech na talaga ngayon pati pustiso sa online na bibilhin ,ayan tuloy mas malaki pa ata ang inorder mong pustiso kaysa baba mo..” – Ruth Fernandez

“Sa dentista kc khit medyo me problema nagagawan ng paraan,,e jn sa online wala pati pera mo ndi nila isosoli.ayan tuloy nangyari sau” – Manalili Alicia


“T*ng ïn@ dimalaman Kung kaninong bangkay kinuhayan” – Ayesa Solo

Sa kabila ng kaliwa’t kanan na biruan ay marami pa rin ang nagpapaalala na siguraduhin ang mga binibili online lalo pa’t kahit ang mga maseselang bagay ay maaarin na ring mabili rito.


Weng Barbadillo Formentera | Facebook

Weng Barbadillo Formentera | Facebook


Latest articles

More like this