HomeTrendingRappler reporter kalaboso sa cyber libel

Rappler reporter kalaboso sa cyber libel

Published on

spot_img



Hinatulang makulong ng mula anim na buwan hanggang limang taon ang isang reporter ng Rappler sa kasong cyber libel na isinampa ni dating Agriculture Secretary Manny ‘Emmanuel’ Piñol noong 2017.

Sa desisyong inilabas ng Quezon City Regional Trial (RTC) Branch 93, si Franklin ‘Frank’ Yapo Cimatu, reporter ng Rappler, ay napatunayang guilty beyond reasonable doubt sa cyber libel sa ilalim ng Section 4 ng RA 10175, na mas kila¬lang Cybercrime Prevention Act of 2012.


Bukod sa pagkabilanggo, pinagbabayad din si Cimatu kay Piñol ng P300,000 bilang moral damages, ayon sa desis¬yong inilabas ni Acting Presiding Judge Evangeline C. Cabochan-Santos.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y mapanirang Facebook post ni Cimatu laban sa dating kalihim ng agrikultura noong 2017. Sa reklamo ni Piñol, nasira umano ang kanyang reputasyon sa post ni Cimatu na nagsasaad na “agri sec got rich by 21m in 6 months. bird flu pa more!”




Si Cimatu ay pangat¬lo na sa mga mamamahayag ng Rappler na nahatulang guilty sa cyber libel. Kabilang dito sina Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa at dating researcher-writer na si Reynaldo Santos Jr. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)


Latest articles

More like this