HomeTrendingRaul Dillo a.k.a Kapre at Frankenstien ng Pinas, may panawagan kay Director/Action...

Raul Dillo a.k.a Kapre at Frankenstien ng Pinas, may panawagan kay Director/Action Star Coco Martin.

Published on

spot_img



Nananawagan ngayon ang dating aktor na si Raul Dillo kay Batang Quiapo star na si Coco Martin. Si Dillo na madalas gumaganap bilang kapre sa telebisyon at pelikula ay muling nagbabakasakali na makapasok sa mundo ng showbiz.

Mabilis na kumalat sa social media ang video nito dahil na rin sa pagmamalasakit ng mga netizens na maiparating ang panawagan kay Coco Martin.

 

 

Aniya, sa ngayon ay wala siyang hanapbuhay. Natigil daw kasi ang kanilang pagtitinda ng mga pagkain gaya ng Lugaw, Pansit, Tinapa, Longganisa at iba pa dahil siya’y nagkasakit.
Dahil dito ay nahatak o binawi na rin ng may-ari ang kaniyang hinuhulugang tricycle na gamit sa pagtinda dahil hindi na niya ito nababayaran.
May dalawang anak sa elementarya si Raul at nalulungkot dahil hindi na masuportahan at maibigay ang pang araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya.

Raul Dillo | Facebook


 

3B Hoops | Facebook

 

“Sana po ako po ay inyong mapansin. Ako po ay humihingi talaga ng tulong.”
“Magkaroon po sana ako ng panimula muli para., para po sa aking pamilya. Dahil may pamilya po ako ng umaasa rin sa’kin.”
Isa pang pagkakataon ang kahilingan ng mga netizens para kay Raul. Dahil naging isa nga sa mga konsepto ng teleserye ng aktor/direktor ang pagbibigay ng tsansa sa mga lumang artista na maka-arte at mapanood muli sa TV.
Raul Dillo | Facebook

 

Raul Dillo | Facebook


 

Komento pa ng isang netizen, “Dapat eto ang isali sa Batang Quiapo mas deserve tulungan ndi si Chikee na walang ginawa kundi puro kalwaswaan”
Si Raul Dillo ang naitalang pinakamatangakad na pinoy sa height na 7’3. Naging parte ito ng basketball training team ng University of the East Red Warriors noong siya ay nasa kolehiyo at naglaro naman para sa San Juan Knights sa MBA.
Minsan na itong pumasok sa PBB House bilang Frankenstein at napanood sa mga pelikulang horror at komedya mula late 90’s to 2000’s.
Raul Dillo | Facebook

 

Raul Dillo | Facebook

 

Latest articles

More like this