HomeTrendingRIDER, NA-COMATOSE MATAPOS SUMABOG ANG DALANG CELLPHONE AT MAAKSIDENTE!

RIDER, NA-COMATOSE MATAPOS SUMABOG ANG DALANG CELLPHONE AT MAAKSIDENTE!

Published on

spot_img


Comatose ngayon ang isang rider sa San Jose Del Monte, Bulacan matapos maaksidente nang sumabog umano ang cellphone niya habang nasa biyahe.

 

Sa mga litratong ibinahagi ni Sharwen Ching Tai, makikita ang rider na nakahandusay sa kalsada at may paso sa tiyan, habang nasa gilid niya ang sunog na cellphone.


Ayon sa mga awtoridad, sumalpok pa sa poste ang rider. Wasak ang motorsiklo at basag ang helmet ng biktima na kritikal ang kondisyon ngayon.
Ayon sa isang beteranong Electrical Engineer, posibleng pinasukan ng pawis ang cellphone kaya ito sumabog.

Payo naman ng mga eksperto, ilagay sa belt bag o anumang lalagyan ang cellphone kapag bumibyahe.


Latest articles

More like this