HomeTrendingRider, nag-viral matapos i-deliver ang parcel sa babaeng manganganak na

Rider, nag-viral matapos i-deliver ang parcel sa babaeng manganganak na

Published on

spot_img
Mabilis na nag-viral sa social media ang isang babaeng nakatanggap pa ng parcel habang nagle-labor sa kanyang panganganak.

Photo credit: Noreen Anne Princess Tiempo


Kinaaliwan ng mga netizens ang post kaugnay ng isang delivery rider na matiyagang nagtungo sa isang lying in clinic upang ideliver ang order ng kanyang customer.

Sa Facebook post ni Noreen Anne Princess Tiempo, ibinahagi nito ang mga larawan ng kanyang hipag na tinanggap ang parcel habang nagle-labor.

 

Kita rin sa lawaran ang delivery rider na kinukuhaan ng litrato ang babae kasama ang parcel upang magsilbing proof of delivery.
Photo credit: Noreen Anne Princess Tiempo

Photo credit: Noreen Anne Princess Tiempo


Ayon sa post ng Noreen, matyagang nagtungo ang rider sa lying-in clinic kung saan naroroon sila dahil manganganak na ang kanyang hipag.

Naghatid ng katatawanan at good vibes ang mga larawang in-upload ni Noreen kaya naman mabilis itong nag-viral sa social media.
Photo credit: Noreen Anne Princess Tiempo

Photo credit: Noreen Anne Princess Tiempo


Sa isa pang post ni Noreen, mabuti naman ang naging kalagayan ng mag-ina at kinilala ang baby na si Louisse Nathaniel de la Cruz.

Photo credit: Noreen Anne Princess Tiempo


Latest articles

More like this