HomeTrendingRuffa sa PagpapaKasal Muli: "I don't know if I want to get...

Ruffa sa PagpapaKasal Muli: “I don’t know if I want to get married again. All I know is, I’m not going to end up alone.”

Published on

spot_img


Kamakailan ay pinag-usapan at talaga namang trending online ang interview ni Dr. Vicki Belo sa aktres at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez. Ito ay naganap sa YouTube vlog ng sikat na doktora kung saan kanilang binalikan ang relasyon ng aktres sa Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.

Sa interview, sinabi ni Ruffa na matagal na niyang napatawad ang dating asawa ngunit ngayon lang talaga siya naging handa na papuntahin sa Istanbul ang dalawa niyang anak para makita, makasama at mas makilala ang kanilang ama matapos ang labinglimang taon.


Ruffa Gutierrez | Yilmaz Bektas | Photo credit to Bandera

“I’ve forgiven him!” ayan ang diretsahang sagot ng aktres nang tanungin tungkol diumano sa hiwalayan at sa mga kasalanang nagawa sa kanya ni Yilmaz.

Sa simulang bahagi ng naturang vlog na may titulong “RUFFA GUTIERREZ FINALLY OPENS UP ABOUT ‘TRAUMATIC MARRIED LIFE’ AFTER 15 YEARS!”, pinasalamatan muna ni Ruffa si Dr. Vicki at sinabing isa ang doktora sa mga tumulong sa kanyang bumangon matapos ang madilim na pangyayaring naganap sa buhay niya noon.


Ruffa Gutierrez | Yilmaz Bektas | Photo credit to Philippine Star

“Honestly, before anything else, I’d like to thank you because parang these days I feel kind of emotional and I just want to thank you that when I got back from Istanbul during those dark days of my life, you were there and you were one of those that really jumpstarted my career. So thank you so much. Doc Vicki helped me raise Lorin and Venice,” pahayag ni Ruffa.


Kwento ng aktres, mula magpakasal kay Yilmaz noong 2003 at magkaroon ng dalawang anak na sina Lorin at Venice, hanggang sa maghiwalay sila matapos ang apat na taon na pagsasama ay napatawad na niya ang ex-husband. Humingi rin diumnao siya ng ‘sign’ kung oras na ba na payagan niya ang mga anak na makipagkitang muli sa kanilang ama.

Ruffa Gutierrez | Dr. Vicki Belo | Photo credit to YouTube


“I guess time heals all wounds and I guess in God’s perfect time I think it just came naturally already a long time ago. I’ve forgiven him.

“I sent Lorin and Venice on their own to Istanbul. I just felt really light about it. I prayed about it. And I said, ‘God, if this is the right timing that Lorin and Venice should reunite with Yilmaz, give me a sign.’ aniya.

Photo credit to iloveruffag | Instagram


Hanggang sa tingin niya nga ay dumating na ang ‘sign’ na hinihingi at ito ay ang kapayapaan at katahimikan na tinatamasa niya ngayon sa kanyang buhay.

“And I think the sign is just being comfortable, being light, being at peace. I didn’t have any hesitations. Para sa akin, yun na yung sign na hinahanap ko,” pahayag ni Ruffa.


Inamin din ng aktres na ng maghiwalay sila ng dating asawa ay wala siyang nakuhang financial support dito para sa mga anak.


“No suporta, but it’s payback time. I know that he will. Ha-hahaha! I think so. Kasi feeling ko, hindi niya nakikita yung mga bata so he wants me to suffer, may ganu’n siyang ugali na, ‘Okay ikaw lumayas eh, di ikaw magdusa.’, natatawang kwento niya.

Pinagdiinan ni Ruffa na ang pagkikitang muli ni Yilmaz at ng kanyang anak ay hindi nangangahulugang may tsansa na magkabalikan pa sila. Reunion lang daw talaga iyon ng mag-aama. Kay Yilmaz na rin daw mismo galing na enganged na ito at malapit ng ikasal, kahit na may pakiramdam raw ang aktres na pinagseselos lamang siya nito.


Photo credit to iloveruffag | Instagram

“Parang ganu’n yung feeling. He says that he’s engaged but this is like the 10th engagement so I don’t believe him. I don’t know kung pinapaselos lang niya ako or totoong ikinasal na siya. Walang return of the comeback. Ano ito, reunion talaga ng mga anak ko at Yilmaz,” pahayag ni Ruffa.


Sinabi rin niya na hindi niya na nakikita ang sarili na mag-aasawa o magpapakasal muli. Hindi rin diumano niya alam kung kaya pa niyang pagdaanan ang mga sakrispisyo noon.

“Yilmaz and I, our relationship naman, is different because number one, I married him. Number two, we have kids together.


“Although I haven’t seen him in 15 years, a lot of the things that I did for Yilmaz, hindi ko alam kung magagawa ko pa yun sa buhay ko. Unless he’s my forever love. Like move to another country, change my religion.


“Kasi kapag sinabi mong kasal, nandiyan yung lahat ibibigay mo. 300% ibibigay mo. Magsasakripisyo ka talaga para sa relationship na yun.”, aniya.

Ngunit hindi man niya alam sa ngayon kung nanaisin pa niyang mag-asawa muli, sigurado naman raw siyang hindi siya tatandang mag-isa at sisiguraduhin niyang may makakasama siya hanggang sa huli.

“Kapag boyfriend mo lang, parang, ‘Okay ayaw mo? Okay bye!’ We don’t care. I don’t know if I want to get married again. I’ve left that in the hands of the Lord. All I know is, I’m not going to end up alone.”

“For sure, I am not going to grow old alone. I know I’m going to have someone there that’s going to hold my hand until the end. I’m praying for it,”, katwiran ng aktres.


At sa lahat ng nagmamahal sa kanya, pamilya, kaibigan, fans at supporters, ay labis ang pasasalamat ni Ruffa sa patuloy na pagtatanggol sa kanya hanggang sa ngayon.

“Maraming salamat sa lahat ng nag-message sa akin. They feel that I’m a great mom. Or they feel that I’m very selfless.

“For me, being a single mom and being with Yilmaz and we went through such a traumatic experience or breakup, for me importante talaga sa akin yung happiness ng mga anak ko.” naiiyak na kwento ng aktres.


Sa kanyang pagpayag na magkita muli ang mag-aama, alam daw ng aktres na ito na ang simula ng magandang pagsasama nila sapagkat ano pa man ang nangyari ay deserve ng kanyang mga anak na lumaki at makasama ang kanilang ama.

“They deserve to grow up with a father. I don’t want to take that away from them. So I had to really be patient and have a lot of faith and trust in God. And I know that it’s going to be the start of something beautiful,”, pagtatapos ni Ruffa.

Samantala, walang man kumpirmasyon sa magkabilang panig, ay mainit  pa rin ang balita-balitang ang aktor at politician na si Herbert Bautista ang siyang nagpapasaya ngayon sa puso ng magandang aktres.


Ruffa Gutierrez | Herbert Bautista | Photo credit to Manila Bulletin

SourceBandera


Latest articles

More like this