HomeTrendingSa pag-sisikap mangahoy at mag-uuling kahit na iisa lamang ang paa nitong...

Sa pag-sisikap mangahoy at mag-uuling kahit na iisa lamang ang paa nitong gawa sa Artificial Leg

Published on

spot_img



Kapag talaga isang responsableng magulang ka gagawin mo ang lahat mabuhay lamang at masuportahan mo ang iyong pamilya kahit gaano pa ito kahirap. Ito ang pinatunayan ng isang ama mula sa Sulatan Kudarat na nag-sisikap mangahoy at mag-uuling kahit na iisa lamang ang paa nitong gawa sa Artificial Leg.


Hirap man sa buhay pilit nitong pinagsisikapan ang matustusan ang pang-araw araw ngpangangailangan ng kanyang pamilya.

Ayon kay Mang Jerry nais niyang makatapos ang kanyang mga anak sa pag-aaral, at kahit na halos sira na ang kanyang artificial na paa ginagawa pa rin nito ang lahat ng makakaya. Gustuhin man niya itong palitan ng bago hindi niya ito magawa dahil sa mahal ng presyo nito.


“Grabe ‘yung hirap na iisa lang ang paa. Pero kinakaya ko para sa pamilya ko.
Pero kahit anong trabaho, basta kakayanin ng paa ko, gagawin ko para mabuhay lang mga anak ko. ‘Yung artificial leg ko nabasag na siya sa katagalan.


‘Yung mga butas, nilalagyan ko lang ng epoxy. Tapos ‘yung gilid, nila-lock ko lang gamit ‘yung goma na galing sa gulong ng truck. Sira na talaga. ‘Yung pakiramdam sa paa ko, parang kinakagat na. Nagsusugat na rin paa ko. Nagkakapaltos na rin kaya minsan, kapag nagtatabas ako, gumagapang na lang ako sa gitna ng maisan.
Sobrang hirap.


Pero kung hindi ko kasi titiisin, wala akong ipapakain sa mga anak ko.”
Pahayag ni Mang Jerry


Labis na hinangaan ang isang Ama mula sa Sulatan Kudarat, Sa pag-sisikap mangahoy at mag-uuling kahit na iisa lamang ang paa


Latest articles

More like this