HomeTrendingSampung Pinaka Weird Na Hayop Sa Buong Mundo

Sampung Pinaka Weird Na Hayop Sa Buong Mundo

Published on

spot_img



Tayong mga tao ay hindi maiaalis na magkaroon ng malambot na puso at malawak na pag-iisip para sa mga hayop, lalo na kung ang mga ito ay napakagagandang tingnan, ’tulad na lamang ng mga hayop na kadalasan ay ginagawa nating ‘pet’ o alaga.

Ngunit mahalagang ganito rin ang maging pakikitungo natin kahit pa sa ilang mga uri ng hayop na hindi naman gaanong kaakit-akit ang hitsura, ’tulad na lang ng sampung uri ng pinakakakaiba, at pinakapambihirang hayop sa mundo na itatampok natin ngayon!

Kaya naman, stay tuned, dahil sisimulan na natin ang ating talakayan!


1. Platypus

Ang Platypus ay isang egg-laying mammal

Ang Platypus ay isang egg-laying mammal. Ito ay semi-aquatic, nocturnal at makamandag na hayop na tinatawag din bilang duck-billed platypus. Dahil sa hitsura ng hayop na ito ay itinuturing ito bilang isa sa pinaka-weird at pinakakakaibang hayop sa mundo. Sila ay endemic sa silangang Australia, pati na rin sa Tasmania.

Ang maliliit na nilalang na ito ay lumalaki lamang ng hanggang sa humigit-kumulang limampung sentimetro ang haba. Ang platypus ay isa sa mga tanging nilalang sa mundo na siyang nag-iisa at tanging kinatawan ng kinabibilangang pamilya at genus nito para sa siyentipikong pag-uuri.


2. Blobfish

Blobfish

Ito ay isang deep-sea fish na kasali sa pamilya ng mga Psychrolutidae, na matatagpuan sa mga tubig ng mainland Australia at Tasmania, pati na rin sa mga tubig ng New Zealand. Sila ay karaniwang mas maikli sa 30 centimeters lamang ang laki.

Pink ang kulay ng isdang ito at ito ay may malalambot na buto, kakaunting kalamnan at walang swim bladder. Bukod d’yan ay puno ng gas na panloob na organ nito na nagbibigay-daan sa karamihan ng mga bony fish na kontrolin ang kanilang kakayahang manatiling nakalutang sa tubig. Wala silang ngipin at napakabihira lang na may mga taong makalapit sa kanila.


3. Blue Glaucus

Blue Glaucus

Ang Blue Glaucus naman ay animo isang maliit na dragon ng tubig, na kahanga-hanga, ngunit ang hindi pangkaraniwang nilalang na ito ay isa lamang namang kulay asul na pelagic sea slug—ngunit ang siyang pinakakakaibang sea slug sa mundo.

Dahil doon ay tinatawag din ito bilang blue dragon, sea angel at sea swallow. Ang nilalang na ito ay bihirang lumaki nang higit sa tatlong sentimentro lamang at naitalang lumitaw sa mga karagatan ng Atlantiko, Indian at Pasipiko.


4. Goblin Shark

Goblin Shark

Ang goblin shark ay isang bihirang species ng mga deep-sea shark at ang tanging nabubuhay na kinatawan ng pamilyang Mitsukurinidae, isang angkan na tinatayang isangdaan at dalawampu’t limang milyong taong gulang na! Dahil doon ay itinuturing ang mga Goblin sharks bilang mga ‘living fossils’ ng ating mundo.

Ang hitsura nila ay mistulang swordfish na mayroong tila alien na nakakagat o kumakain sa labas ng kanilang mukha.

Ang isang bagay na talaga namang nakamamangha tungkol sa goblin shark ay ang kakayahan nitong itulak ang kanyang panga pasulong tulad ng isang tirador upang mahuli ang kanyang biktima. Kaya naman kung mayroong isang uri ng pating na hindi mo gugustuhing makita sa tanang buhay mo ay siguradong sila na ’yon!


5. Star-Nosed Mole

Star-Nosed Mole

Ito ay isang maliit, matipuno, naka-streamline na mammal na may dalawampu’t dalawang kulay pink na matatabang galamay sa ilong na animo’y isang bituin. Ang malambot at maikling balahibo nito ay kayumanggi o itim.

Mayroon silang mga tainga, maliliit na mata, at isang mahaba at nangangaliskis na buntot na may magaspang na buhok. Ito ay matatagpuan sa mga basa at mabababang lugar sa hilagang bahagi ng North America. Madali lamang matukoy ang mga ito, sa pamamagitan ng nguso nito na ginagamit bilang touch organ na may higit sa 25,000 minutes na sensory receptor. Ito ay talaga namang kakaiba ng nilalang!


6. Axolotl

Axolotl

Ito ay kilala rin bilang Mexican Salamander na itinuturing na isang critically endangered sa kanilang uri. Sila ay ang pinakakakaibang amphibian sa mundo. Ang axolotl ay marahil ang pinakanakatutuwang uri ng salamander dahil animo palagi silang nakangiti.

Bagama’t ang karamihan sa mga axolotl ay kakaiba ang hitsura, ang leucistic axolotls, na may puting kulay at pink na mga mata, ay partikular na kakaiba. Sinasabing maihahalintulad din sila sa isang madulas at kaakit-akit na underwater Muppet.


7. Maned Wolf

Maned Wolf

Ang Maned Wolf ay ang pinakamalaking canid na matatagpuan sa South America. Ito ay may kapansin-pansing pagkakahawig sa mga fox, ngunit ito ay hindi isang fox o isang lobo. Ang maned wolf ay nakikilahok sa mga symbiotic na relasyon sa ibang mga species at sinasabing malaki ang hiya sa mga tao. Kung ikukumpara sa mga gray wolf, ang maned wolf ay payat at matangkad. Sinasabing ito ay tatlong pulgadang mas mataas kaysa sa pinakamatangkad na gray wolf sa mundo.

8. Panda Ant

Panda Ant

Sa kabila ng hitsura nilang animo isang langgam na siya ring ginagamit na pantukoy sa mga ito, ang totoo, ang Panda Ant ay isang anyo ng mga putakti. Ang mga babae lamang ang nagtataglay ng mas makapal na balahibo at sila ay walang mga pakpak. Ang mabalahibong nilalang na ito ay nabubuhay lamang nang hanggang dalawang taon.


Ang sting ng putakting ito ay hindi sinasabing talagang napakasakit, na siyang nagbibigay dito at sa malapit na kamag-anak nitong velvet ant, ng palayaw ng “cow-killer”. Bagama’t ang putakti ay walang aktuwal na stinger at hindi talaga makapatay ng mga baka, ginagamit ng mga babae ang kanilang binagong ovipositor upang saksakin ang mga kaaway at protektahan ang kanilang sarili.

9. Atretochoana Eiselti

Atretochoana Eiselti

Ito ay mayroon ding nakaiilang na bansag na Penis Snake o Floppy Snake, bagama’t hindi naman ito isang ahas. Iyon ay dahil na rin sa hitsura nito. Ito ay isang uri ng walang mga paang amphibian na kahawig ng earthworm o ’di kaya’y isang maselang bahagi ng male anatomy.


Mayroon itong malawak, patag na ulo at may lamang palikpik sa katawan at isa sa pinakamahabang typhlonectids. Kaunti pa lamang ang nalalaman tungkol sa mga species na ito, bagama’t ito ay sinasabing nabubuhay sa tubig at isang nilalang na walang baga…sa halip ay humihinga lamang ito sa pamamagitan ng kanilang balat.

10. Satanic Leaf-Tailed Gecko

Satanic Leaf-Tailed Gecko

Ang Satanic leaf-tailed gecko ay isang species ng tuko na matatagpuan sa isla ng Madagascar. Ang kanilang buntot ay manipis at tila isang dahon, na tumutulong sa hayop na humalo sa kapaligiran. Ang satanic leaf-tailed gecko ay isang mahiyaing uri ng mga reptile na hindi gustong sila ay hawakan. Mas gusto nitong umakyat at magtago, at mas masaya kung pababayaan lamang.


Ang mga reptile na ito ay nocturnal at sa gabi sila gumagalaw sa kanilang rainforest habitat upang maghanap at kumain ng mga insekto. Bagama’t hindi pa naman maituturing na endangered ang mga ito ay marami ang nagsasabing ganoon din ang kanilang kahahantungan kung patuloy na masisira ang kanilang tirahan.

Ano ang masasabi mo sa paksang tampok ngayon? Alin sa mga hayop na ito ang pumukaw sa interes mo, at bakit? I-share mo naman ’yan sa ating comment section!



Latest articles

More like this