HomeTrendingSen. Grace Poe, Hindi Umano Katanggap-Tanggap Ang Mabagal na Delivery ng National...

Sen. Grace Poe, Hindi Umano Katanggap-Tanggap Ang Mabagal na Delivery ng National ID!

Published on

spot_img


Sa isang facebook post ay nanawagan si Sen. Grace Poe sa Philippine Statistics Authority na bilisan umano ang pamamahagi ng National ID. Ayon pa senador, hindi umano katanggap-tanggap ang anim na buwan hanggang isang taon na paghihintay ng mga mamamayang Pilipino para makuha ang National ID. Narito ang kanyang post:

“Nananawagan tayo sa Philippine Statistics Authority na bilisan na ang pamamahagi ng National ID at tiyakin na wasto ang mga datos nito. Kung may ID na, mas mapapadali sana ang mga transakyon ng ating mga kababayan sa gobyerno at pribadong sektor.”


“Ang paghihintay ng mga Pilipino ng anim na buwan hanggang isang taon para makuha ang NATIONAL ID ay HINDI KATNGGAP-TANGGAP.”

Marami sa mga Pilipino ang hindi pa nakakatanggap ng National ID. Ayon sa mga Pilipinong hindi pa natatanggap ang National ID, mahigit isang taon na umano silang naghihitay. May mga pumabor din sa Senadora sa sinabi nito at sa panawagan nito.


Latest articles

More like this