HomeTrendingTatay na nagdiwang ng 69th na kaarawan, mag isang umorder at kumakain...

Tatay na nagdiwang ng 69th na kaarawan, mag isang umorder at kumakain sa restaurant

Published on

spot_img



Isang malaking biyaya na maituturing ang bawat taon na dumarating na naipagdidiwang natin ang ating kaarawan. Mayroon mang salu-salo o wala, dapat pa rin natin itong ipagdiwang at ipagpasalamat sa Maykapal.


Samantala, naging trending ang video at mga larawan ng isang matandang lalaki na nagdiriwang ng kanyang kaarawan na mag-isa sa isang restawrant. Nakuhanan ito ng netizen na si Trixie Ann Eras Manuel, ay sa kanyang post “Sobra akong nalungkot nang makita namin si Tatay sa isang fast food chain, Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sapagkat ngayon lamang ako naka-saksi ng ganitong uri ng pangyayari sa buong buhay ko. Akala ko sa mga drama lang nangyayare ito pero hindi! Sine-celebrate ni Tatay ang kanyang ika-69 taon ng mag-isa at walang kasama”, pahayag ni Trixie.

Sa kabila na mukhang may pera si tatay dahil naka porma talaga ito mula ulo hanggang paa, at mayroong pagkain, maaring sa kanyang puso ay may kulang pa rin. Kausap ni tatay ang kanyang asawa’t anak sa video call habang kinukuhanan ng larawan ang kanyang mga inorder na pagkain. Marahil ay mas masaya sana ito kung kapiling sila.


“Habang ipinapakita ni Tatay ang kanyang handa sa kanyang asawa’t mga anak sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono hindi ko alam kung anong lungkot ang bumabalot sa aking puso. Para sa iyo Tatay nawa’y bigyan ka pa ng panginoon ng lakas para sa mga pagsubok na haharapin mo pa sa buhay.” Dagdag pa ni Trixie.


Sa panahon ngayon na marami ang hindi magandang nangyayari sa paligid, mas mainam pa rin na nakakasama ang pamilya lalong-lalo na sa kaarawan kahit may handa man o wala. Mas mahalga ang pamilya sa anumang bagay dahil hindi nabibili ng pera ang kanilang pag-aalaga at pagmamahal.

“Mag-iingat ka po lagi Tay ♥️ MALIGAYANG KAARAWAN PO SA IYO TATAY AT PAGPALAIN KA.” Pagbati naman ni Trixie sa tatay na iyon.

 


Latest articles

More like this