HomeTrendingTeacher, Pinahiram Ang Sapatos Sa Estudyanteng Sira At Naka-Scotch Tape Ang Sapatos...

Teacher, Pinahiram Ang Sapatos Sa Estudyanteng Sira At Naka-Scotch Tape Ang Sapatos Sa Graduation

Published on

spot_img



Ang ‘graduation’ ay talaga namang isa sa mga pinakahihintay at ‘di malilimutang sandali sa buhay ng bawat estudyante.

Isa itong sandali na siguradong magiging parte nang bawat alaala ng isang estudyante ng kanyang pag-aaral.

Viral nga ngayon sa social media ang isang nakakaantig na tagpo na naganap sa graduation ceremony ng Labuan Elementary School sa Zamboanga City.


Isa kasing guro ang nagpahiram ng sapatos sa kanyang estudyante matapos niyang makitang sira at naka-scotch tape na lamang ang sapatos nito.

Kinilala ang guro na si Christian Carpio at ang estudyante naman ay si Rey Paul Daval.

Ayon sa nakasaksi sa nangyari na si Teacher Vanessa, na siya ring nag-post ng naturang kaganapan, hindi raw talaga nagdalawang-isip si Sir Christian na hubarin ang kanyang sapatos para ipahiram sa kay Rey Paul na nagmamamartsa na noon paakyat sa stage.


Makikita naman sa larawan na ibinahagi ni Teacher Vanessa na naka-medyas na lamang si Sir Christian at ang kanyang sapatos ay suot na nga ni Rey Paul.

Alam ni Sir Christian kung gaano nga ito kahalaga. Kaya naman iyon ang naging paraan niya upang hindi maging malungkot ang alaala ni Ret Paul kapag kanyang babalik-balikan ang tagpong iyon.


Ayon pa kay Christian na kinuwento niya itong ginawa niyang ito hindi dahil para magmalaki kundi upang gawing halimbawa at inspirasyon ng iba pang mga guro lalo na ang mga may kakayahan.

Samantala, lumalabas na bukod kay Rey Paul, may isa pa palang estudyante rin na sira ang sapatos noong panahong iyon.

At isa na namang tulad ni Sir Christian ang tumulong sa estudyante.


Sa Facebook post ni Teacher Jocelyn Valeriano, tinulungan ng isang Teacher Doris ang nasabing estudyante.

Nilagyan daw nito ng scotch tape upang maremedyohan ang sirang sapatos ng estudyante.


Pinatunayan lamang nga ng mga gurong ito na sila ang ikalawang magulang ng kanilang mga estudyante.

At tulad ng isang tunay na magulang, hindi sila mag-aatubili na tulungan at pasayahin ang kanilang mga estudyante.


Latest articles

More like this