HomeTrendingTom Rodriguez, Inamin Na Hindi Siya 'BEKI'

Tom Rodriguez, Inamin Na Hindi Siya ‘BEKI’

Published on

spot_img



Sa wakas ay nagsalita na ang isa sa pinaka kontrobersyal na aktor ngayon na si Tom Rodriguez matapos ang annulment nila ng kanyang ex-wife na si Carla Abellana.

Nasa Las Vegas ngayon si Ogie Diaz at nakapanayam niya ang Kapuso aktor na si Tom Rodriguez at kinamusta niya ang kalagayan ng kanyang puso doon.

Ayon sa aktor ay it’s up in the air parin ang kalagayan ng kanyang puso ngayon at still healing.


Tinanong din ni Ogie kung mahal pa niya (si Carla). Aniya ni Tom, “A tricky thing to say kasi siyempre hindi naman nawawala ‘yun agad, eh. Pero as I’m healing, it’s transforming into something else.

Isa rin sa isyung ibinabato sa kanya ay ang pagiging beki daw nito kaya naman tinanong ni Ogie kung may babae o lalaki si Tom.

Ang naging sagot ni Tom ay ‘NO’. Dagdag pa niya, “If that’s the worst that someone can call me, that’s not an insult to me. Most of the best people I know happen to be of that persuasion and happen to be gay. Best people I know. So kung ‘yun lang inano, hindi insulto para sa’kin yun. So anyway, I don’t mind hearing it. It’s not the truth but it doesn’t bother me.”




Sinagot din ng aktor ang paratang sa kanyang sinasaktan niya physically si Carla kaya sila naghiwalay. Ayon sa kanya ay never daw itong nanakit ng babae.

Aniya, “People can think what they want, if they can prove it, if they can ano, go for it. Ako, as long as I know here, okay na ako du’n. Nasanay na ako na kung ano man ang iniisip ng tao sa akin, I realize, lahat narinig ko na.

“Parang everything and the kitchen sink, naitapon na sa akin, naibato na. So lahat narinig ko na and then you realize nandu’n ka pa, nakatayo kapa. Parang hinawakan ko ‘yung Tom Rodriguez na baraha na ‘yun, hindi ko alam. Akala ko wala akong gan’un pero nung hinihila na yung Tom Rodriguez, teka, teka teka, wag niyong kunin. Kung ano-ano na mga narinig ko. I realized, I am still here, I still have the love of my family.”


Habang nasa Amerika si Tom ay sinubukan daw niyang maghanap ng trabaho online pero hindi din ito naging matagumpay dahil sa kanyang depresyon.

Babalik na daw next year si Tom sa Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang career at malaki ang pasasalamat niya sa GMA Network dahil hindi daw siya pinabayaan at sila ang sumagip sa kanya noong maraming nangyari sa buhay niya.


Latest articles

More like this